Lalaki binaril ng kasama

    201
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales -Patay ang isang lalaki makaraan itong pagbabarilin ng kanyang kasamahan sakay ng motorsiklo sa Barangay Calapandayan sa bayang ito.

    Kinilala ni Senior Inspector Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police Station, ang biktimang si Richard Derie, 47, residente ng Barangay Calapacuan.

    Sa imbestigasyon ng pulisya magkasama sa isang single motorcycle ang suspek at ang biktima na tinatahak ang kalsada paakyat ng Maligaya Village nang magkaroon sila ng pagatatalo.

    Dahil dito nagbunot ng baril ang di kilalang suspek at saka binaril ang biktima ng kalibre 45 habang papatakas.

    Nagawa pang magtago ang biktima sa loob ng isang videoke bar para iligtas ang sarili sa kamatayan, subalit nasundan pa ito ng suspek at saka doon tinapos ang buhay ng biktima.

    Nakuha sa pag-iingat ng biktima ang ilang piraso ng plastic sachet at personal na kagamitan.

    May hinala ang pulisya na kakilala nito ang suspek at posibleng may kinalaman sa onsehan sa droga ang pagpaslang.

    Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

    Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here