Remake ng hit series nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales kinokontra ni Oyo Boy

    287
    0
    SHARE

    Unang hit noon  nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales ang Pangako Sa Yo. At dahil uso ang remake, ayan at balak muling gagawin ng ABS ang serye. Natural, kasama sina Jericho at Kristin,e but this time mga parents na sila ng mga bida.

    Binigyan ng payo ni Oyo Sotto ang asawang si Kristine Hermosa na ipagpaliban ang paggawa ng remake ng Pangako sa ’Yo na nagpatingkad sa loveteam nila ni Jericho Rosales.

    Eh, ang problema, lalabas na silang magulang ni Echo sa murang gulang kaya hindi muna niya tinanggap ang pagbabalik ng asawa sa showbiz.

    “Hayaan na lang niya na iniwan nila ’yung show na solid sa puso nila, ng mga tao, hanggang ngayon ’yung solid sa Instagram sa Malaysia, ‘We love Kristine and Jericho!’” katwiran ni Oyo nang makausap ng press sa presscon ng sitcom nila ng daddy niya na si Vic Sotto, ang Vampire ang Daddy Ko.

    So, siya ang pumigil sa asawa na gawin ’yon?

    “Hindi naman. Napag-usapan lang namin ni Tin. Sabi ko, parang hindi maganda. Bakit kayo ’yung ginawang nanay at tatay? Sabihin mo sa kanila, hindi maganda. Pasado ka pa naman nang walang anak, eh,” paliwanag ng aktor.

    “Pero ako, ayoko! Nanay ang role niya, eh,” dagdag niya.

    Hindi naman daw niya pinipigilan si Kristine na magtrabaho.

    “Alam ko kasi, may gagawin siyang webisodes. Alam ko, parang sequel ng Immortal. Ninety percent sure na ’yon. Kasi nakapag-training na siya kasi medyo action-action ang gagawin niya,” saad ng anak ni Bossing Vic.

    Choice rin daw kasi ng asawa na kung magkakaroon siya ng soap, twice a week lang ang taping dahil mas gusto niyang may time siya sa family niya.

    “Nami-miss din  niya ang showbiz. Marami rin kasing nagtu-tweet sa kanya, eh. Please come back on TV na.

    Mostly Malaysians ang namimilit, eh.  ‘Please take care of her!’ Ginaganu’n ako, eh. Sabi ko, oo naman!

    Sinasagot ko ’yung iba na Malaysians,” kuwento ni Oyo.

    Bilang ina, hands-on daw si Tintin sa pagpapaligo sa mga bata na nasaksihan niya nu’ng nawalan sila ng kasambahay. Hindi ba siya maarte?

    “’Yung hitsura niya sa TV, ’yung mga taong hindi niya nakakasama, maski ako, sinasabi ko sa kanya na nu’ng first time kong nakasama siya, intimdidated ako! Parang sosyal. Mahirap pakisamahan.

    “Oo! Sinabi ko sa kanya. Parang mas maarte pa nga ako sa kanya, eh! Hahaha! Pero hindi talaga. Iba talaga si Tin sa bahay. Very hands-on!” pahayag ni Oyo sa kabutihan ng asawa bilang ina.

    Eh, pagdating sa daddy niya na open na sa relasyon kay Pauleen Luna, ano ang feeling niya?

    “’Yung respeto kay daddy, nandoon ’yon. Hindi puwedeng mawala ang respect,” diin ni Oyo kahit wala pang chance na makasama nila sa isang okasyon ang girlfriend ng ama.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here