Home Headlines Quarantine violator timbog matapos hamunin ang kapulisan na muli siyang arestuhin

Quarantine violator timbog matapos hamunin ang kapulisan na muli siyang arestuhin

209
0
SHARE

Ang post ng suspek sa social media na nagresulta sa kanyang muling pagka-aresto. Photo Courtesy Malolos Police



LUNGSOD NG MALOLOS
— Arestado ang isang make-up artist nang hamunin pa sa social media ang kapulisan na siya ay muling arestuhin sa muling paglabag sa quarantine protocol.

Ang inaresto ay si Ericson Miranda, residente ng Barangay Mabolo, na nauna nang naaresto dahil din sa paglabag nito sa MECQ.

Nadakip muli ang suspek matapos magpost sa social media na: “Hulihin niyo ulit ako nasa labas ako nagtitinda ako ng bbq saan na kayo”.

Ayon kay Lt. Col. Jacquiline Puapo, hepe ng Malolos police, nauna nang nahuli ang suspek dahil sa paglabag nito sa ipinapatupad na bawal lumabas ang walang quarantine pass dahil nasa ilalim ng MECQ ang lalawigan.

Ngunit matapos itong mapalaya at makauwi sa bahay ay nagpost ito sa facebook at hinahamon ang kapulisan na siya ay arestuhin pa muli.

Ayon naman kay Miranda, nagsisisi siya sa kaniyang pagpopost ng paghahamon sa kapulisan.

Nagawa lang daw niya kasing lumabag sa kautusan dahil kailangan nyang maghanapbuhay at wala naman siyang natanggap na ayuda.

Ang suspek ay kasalukuyang nakaditene sa Malolos police station at sasampahan ng kaukulang kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here