Home Headlines Covid-19 Bataan update: 504 kaso, 15 na ang pumanaw

Covid-19 Bataan update: 504 kaso, 15 na ang pumanaw

235
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Labing-lima na ang lahat ng pumanaw sa coronavirus disease sa Bataan matapos may isang naitalang bagong nasawi ngayong araw, samantalang umabot na sa 504 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso, ulat ni Gov. Albert Garcia Miyerkules.

Isang 72-anyos na babae mula sa bayan ng Orani ang pang-15 sa mga pumanaw.

Sa ulat ng provincial health office Martes ng gabi, anim ang nadagdag sa listahan ng mga kumpirmadong kaso ng Covid19 kaya umakyat ang bilang nito sa 504.

Lumabas sa contact tracing na apat sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa virus. Tig-isa mula sa Mariveles at Abucay, at dalawa sa Hermosa.

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay isa mula sa Balanga City at isang in-patient sa isang ospital sa Balanga na mula sa bayan ng Mariveles.

Biglang dami naman ang mga nakarekober na umabot sa 14 kaya umakyat ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa 312.

Ang mga ito ay lima mula sa Mariveles, tatlo sa Abucay, at tig-dalawa sa Orani, Bagac at Dinalupihan.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay 177.

Nasa 8,787 ang nagnegatibo na sa Covid-19 habang 357 ang naghihintay ng resulta  mula sa 9,658 na sumailalim na sa pagsusuri.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here