Tanong:
Attorney, pwede po ba akong tanggalin sa trabaho dahil sa aking pagkakasakit? Nagkaroon po kasi ng kumplikasyon ang aking panganganak at sinabihan ako ng duktor ko na magapagaling muna. Sinabihan ko ang boss ko na babalik ako sa trabaho oras na maayos na ang kalagayan ko pero apat na buwan na ang nakakaraan. Kahapon nakatanggap po ako ng sulat galing sa aking boss na bumalik na raw ako sa trabaho, kung hindi, tatanggalin na daw ako. Hindi pa ako lubos na magaling. Ano po ang maipapayo ninyo?
Sagot:
Kung ikaw ay nagkasakit, maaari itong maging dahilan ng pagka-tanggal mo sa sa iyong trabaho kung:
- Ang iyong patuloy na pagtratrabaho ay makasasama sa iyong kalusugan;
- Ang sakit mo ay nakakahawa at makasasama sa kalusugan ng iyong mga katrabaho;
- Ang iyong sakit ay malubha at hindi kayang gamutin ng duktor sa loob ng anim na buwan; at
- May Medical Certificate na in-issue ang isang “public health authority” or duktor galing sa public hospital na nagsasabi na malubha ang iyong karamdaman at kulang ang anim na buwan para ikaw ay gamutin at gumaling.
Ito ang isinasaad ng Art. 299 ng Labor Code, pati na ng Sec. 8 ng Rules and Regulations Implementing the Labor Code.
Ngayon, nabanggit mo na nagkaroon ng kumplikasyon ang iyong panganganak. Ang tawag dito ay “genealogical disorder”. Hindi nakakahawa ang iyong karamdaman at hindi rin makasasama ito sa kalusugan ng iyong mga katrabaho. Kaya hindi pwedeng gawing dahilan ang iyong pagkakasakit para tanggalin ka sa trabaho.
Habang ikaw ay nagpapagaling, maari mong gamitin ang mga vacation leaves at sick leaves mo. Pero kung ang mga leaves mo ay naubos mo na, naka “leave without pay” ka na.
– Atty. Bong Roque
——————————————————————-
This is a regular article contributed by the lawyers for a general understanding of basic legal principles and law. Readers can directly send their legal queries to the chapter’s email address at ibp_pamp@yahoo.com. The sender’s name and email address shall remain anonymous.