Home Opinion Posibleng totoo ang ating hinala

Posibleng totoo ang ating hinala

236
0
SHARE

KUNG ating bibigyan ng matamang pansin
itong sa ngayon ay mga nangyayaring
di pangkaraniwan, gaya ng matinding
‘corona virus’ na China ang origin;

Na ayon sa ulat di kanaisnais
para sa lahat na ang peligrong bitbit
nitong ‘SARS like ‘nCoV’ na uri ng sakit,
na kahit di ‘airborne’ lubhang mapanganib;

At madaling tablan nito ang sinuman
na mahawaan ng virus na naturan,
ibayong ingat ang sa’ting araw-araw
na pakikitungo ang kinakailangan.

Nang sa gayon tayong ito’y makaiwas
sa taglay na virus na hindi pa tiyak
kung ito’y gawa ng tao o nagbuhat
sa kung anong hindi nga kainin dapat.

Gaya ng insekto, ipis, at paniki
na napakabaho at ubod ng pangi,
pero kabilang sa kinakain lagi
sa China, posibleng isa ‘yan sa sanhi;

Kung bakit ang ngayon natin tinatawag
na ‘corona virus’ o ‘nCoV’ kumalat
sa iba pang bansa’t namiligro lahat
ang sa infection n’yan tamaan at sukat.

Malay nga natin kung mga Chinese a mismo
ang may gawa riyan ng ‘nCoV’ na ito,
at para masakop n’yan ang buong mundo
ay sa pamaraang hindi makatao ?

Kaya lang nang dahil sa hindi maingat
marahil ang mga ‘scientists’ na dapat
mamudmod sa ibang bansa ng lumigwak
na virus sila ang unang napahamak?

Posible rin namang ito ay nang dahil
sa ang lahat na nga ay gustong angkinin
ng China, at upang ganap na maangkin
itong iba pa r’yang nais na sakupin.

Partikular na r’yan itong Pilipinas
at ibang karatig na bansang maunlad
sa pamamagitan nitong makamandag
na ngayon ay ‘covid – 19’ itong tawag;

Kung saan sa China nga ang origin n’yan
ay hindi malayong ang ating hinilang
Sila’ng may imbento ng nakamamatay
na corona virus sa puntong naturan.

Eh, bakit nga hindi, sila itong genius
at lahat ng klaseng sa’tin ine-export
na falsified gadgets gawa nila halos,
pati na rin yata r’yan ng pekeng gamot?

Na hayan sila rin mismo ang biktima
ng hinihinala nating gawa nila,
ang ‘nCoV virus,’ na sila rin pala
ang sa bandang huli magkakaproblema?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here