Home Opinion BHW at barangay tanod, dapat taasan ng sahod

BHW at barangay tanod, dapat taasan ng sahod

1986
0
SHARE

1.

Ang mga BHW at ang mga bantay bayan

mahalaga ang papel na kanilang ginagampanan

mga Barangay Health Workers lagi ang inaasahan

pagdating sa usapin ng aspetong pangkalusugan

ang mga barangay tanod naman ang 

namamagitan

kapag mayrong nangyayaring sigalot at kaguluhan

2.

Ang buhay ng mga tanod ay laging nasa panganib

lalo sa maselang lugar na pugad ng mga adik

ang mga lango sa droga iba ang takbo ng isip

kapag hindi napagbigyan sa kanilang ninanais

nagpupuyos ang damdamin kapag sila’y naba-badtrip

matatapang at marahas kaya’t lubhang  mapanganib

3.

Ang mga health workers naman ang malimit na isabak

sa Health Center ng barangay kaantabay ng mga nurse

gumagampan sa trabahong iniatang sa balikat

upang isakatuparan ang serbisyong nararapat

sa panahon ng pandemya sila’y hindi nagpatinag

bilang mga frontliners na naglilingkod ng tapat

4.

Subalit kung susuriin di sapat ang sinasahod

bilang mga kabayaran sa tapat na paglilingkod

ang mga BHW at mga barangay tanod 

sa ibang nanunungkulan sa barangay ay mas pagod

ang iba diyan ay wag sanang ikasasama ng loob

wala namang ginagawa kundi maghintay ng sahod

5.

Masakit man na tanggapin subalit yan ang totoo

na hindi rin naman lingid sa kaalaman ng tao

ang iba dyan sa sesyon ay hindi naman dumadalo

lalo ang mga kagawad na abala sa negosyo

at ang iba sa kanila inuuna ang trabaho

kaya’t hindi magampanan ang serbisyong pampubliko

6.

Bagaman ang allowance na kada buwan ay binibigay 

sa mga BHW at sa tanod ng barangay

ay sa IRA nanggagaling ngunit hindi makatwiran

sa uri ng trabaho na kanilang ginagampanan

sahod ng BHW at ng mga bantay bayan

siguro ay panahon na upang ito’y madagdagan

7.

Tutal naman malaki ang pakinabang sa kanila

ng alinmang barangay na pinaglilingkuan nila

ang kanilang sakripisyo’y di ba nila nakikita? 

o talagang bulag lamang ang kanilang mga mata? 

sabi nga ng karamihan kung ating ikukumpara

sa ibang mga kagawad mas masigasig pa sila

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here