Patay sa riding-in-tandem

    90
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Binawian ng buhay sa pagamutan ang isang lalaki makaraan itong barilin ng riding-in-tandem habang ito ay nakikipagkwentuhan sa isang carenderia sa Barangay West Bajac-Bajac sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Reynaldo Rodillas, 20, residente ng Block 21, Barangay Gordon Heights, Olongapo City. Sa imbestigayon ng pulisya, nakaupo sa Orly’s Eatery ang biktima at nakikipagkwentuhan ito sa kanyang kaibigan nang bigla na lamang itong lapitan ng di kilalang suspek na nakasuot ng itim na jacket at helmet saka binaril ito ng malapitan ng kalibre 45 baril na may silencer.

    Nagawa pang makatakbo ng biktima para iligtas ang sarili subalit nasundan pa ito ng mga suspek at saka muli itong pinagbabaril. Natagpuan sa ibabaw ng nakahandusay na katawan ng biktima ang isang sulat na may nakalagay na “ Ako ay salisi at magnanakaw, salot sa lipunan huwag tularan”. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here