Palusot-lusot

    929
    0
    SHARE
    Itinanggi ni Senior Supt. Allen Bantolo, ang OIC provincial police director ng Bulacan paglalarawan ni dating Gob. Obet Pagdanganan sa peace and order situation na mayroong cottage industry ng hired killings sa lalawigan.

    Sa panayam kay Bantolo ni Rommel Ramos sa palatuntunang Rommel Ramos po! sa DWSS 1494 khz noong Sabado, bandang alas 8:30 ng umaga, sinabi ni Bantolo na “hindi totoo yan.”



    Ang pahayag ni Bantolo ay nakakatulad din ng naunang pahayag ni Gob. Joselito Mendoza nong Disyembre 9 na ang Bulacan daw ay isa sa pinakatahimik na lalawigan sa Gitnang Luzon ayon sa Regional Peace and Order Council.

    Ngunit ayon sa ulat ng pangrehiyong pulisya, ang Bulacan ang nakapagtala ng pinakamaraming krimen sa nagdaang taon.



    Bilang reaksyon naman, sinabi ni Obet na makabubuting tingnan muna nina Bantolo at Mendoza ang kanilang mga tala, bago mag-deny.

    Ani Obet, “dine-deny ba nilang pinaslang ang kapatid kong si Monching, pati si Mayor Tirso ng Apalit na parehong sa Calumpit pinatay. Yung konsehal ng San Rafael na si Fidel Nacion at yung Mojica massacre sa San Jose Del Monte, paano nila ipaliliwanag iyon?’



    Totoo nga naman, kung tahimik ang Bulacan katulad ng sinasabi ni Mendoza, ibang katahimikan iyan.

    Kung sinasabi ni Bantolo na hindi totoo ang paratang ni Obet hinggil sa cottage industry ng hire killings sa Bulacan, bakit nung mga pinatay sa Bulacan ay sinabi niya na hired killers ang suspek?



    Kung sinasabi nina Bantolo at Mendoza na hindi totoo na may problema sa peace and order sa Bulacan at igigiit nilang tahimik ang Bulacan, ang lumalabas na sinungaling ay ang pang-rehiyong tanggapan ng pulisya na nagpalabas ng ulat.

    Sabi ng aking mentor na si Mr. Jose Pavia, “baka sa bandang huli ay tayo pa ang lumabas na sinungaling.”



    Hinggil pa rin sa paratang ni Obet, nagpahayag pa rin si Bantolo sa Rommel Ramos po! radio program na “opinyon niya iyon at iginagalang ko iyon.”

    Nakupo, ganyan ba ang maglilingkod sa bayan? Sa huli ay gising na rin at sinabi ni Bantolo na makikipag-coordinate siya kay Obet.



    Hinggil naman sa operasyon ng mga video karera sa mga bayan at lalawigan sa Bulacan na minsan ay kinondena na ni Mendoza, sinabi ni Bantolo sa Rommel Ramos po! radio program na “may nahuhuli naman kami, kaso bumabalik.”

    Ayun, lumalabas, hindi epektibo ang kampanya ng pulisya laban sa mga ipinagbabawal na mga sugal.



    Batay naman sa pahayag ni Bokal Christian Natividad sa nasabi ring radio programa nong Sabado, sinabi niya na nagbabala na si Gob. Mendoza na hanggang Enero na lamang ang mga video karera sa Bulacan.

    Teka, matatapos na ang Enero, ano pa ang hinihintay niya?



    Teka muna, ang pahayag palang iyon ni Mendoza ay noon pang Disyembre. Bakit naghintay pa siya ng Enero para sa kanyang ultimatum.

    Binigyan ba niya ng pagkakataong mamasko ang mga pulis?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here