Home Opinion Paggunita sa Mount Pinatubo eruption 

Paggunita sa Mount Pinatubo eruption 

2172
0
SHARE

1.

Lalawigan ng Pampanga ay ginugunita ngayon

ang naganap na pagputok ng Mount Pinatubo noon

ngayong a kinse ng Hunyo’y pangtatlumpu’t limang taon

ng malagim na delubyong sa limot ay di mabaon

ito ang itinuring na greatest volcano eruption

malakas na di hamak sa pagsabog ng Bulkang Mayon

2.

Ang binugang volcanic ash ay di lamang sa Maynila

nakaabot kundi maging sa kalapit nating bansa

nagkataon pang may bagyo at ang abo ay nabasa

bumigat at sa bubong ng mga bahay ay sumira

sa Pasig-Potrero River ang lahar ay nanalasa

ang lahat ng madaanan kongkreto man nagigiba

3.

Higit walong daang tao ang nasawi sa delubyo

sa walang tigil na ulan na dala-dala ng bagyo

tinamaan ang Angeles, Porac, Magalang, Mexico

Mabalacat, Sta Rita, Bacolor, at San Fernando

ang dinanas ng Pampanga’y isang matinding kalbaryo

gumimbal at naitala sa kasaysayan ng mundo

4.

Ngunit bakit kailangan pa na ito ay gunitain? 

gayong ito’y nagdulot lang ng matinding suliranin

ngunit kung pag-aaralan at matamang iisipin

ang ganitong pangyayari ay di dapat na limutin

sapagkat sa buong mundo ay naipakita natin

na ang ganoong pagsubok ay kaya nating harapin

5.

Sa poot ng kalikasan Kapampangan ay tumindig

kahit ang dulot nito ay libong dusa at hinagpis

di nasiraan ng loob at hindi rin  nagpalupig

nagkaisa, sama-sama sila’y hindi nagpadaig

dahil sa pagkakaisa at kanilang pananalig

sa Amang Diyos na lumikha nagtagumpay at nanaig

6.

Ang aming ginugunita’y kung paano nakabangon

itong lahing Kapampangan sa malagim  na kahapon

ito’y isang pagbubunyi pagdiriwang taun-taon

na magpapatuloy pa sa darating na panahon

ang naganap na trahedya ng Pinatubo eruption

ay malalaman pati ng susunod na hererasyon

7.

Ang ipinamalas ng mga mamamayan ng Pampanga

ay ang kahalagahan ng diwa ng pagkakaisa

ang katatagan ng loob sa pagharap sa problema

nitong mga Kapampangan minsan pang naipakita

ang Mount Pinatubo eruption ay aming ginugunita

dahil aming nalampasan  ang malagim na trahedya 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here