No Way Out

    207
    0
    SHARE

    NGAYONG kumbaga sa makipot na lungga,
    na pinasukan ng matakaw na daga
    ay nasarhan na ng butas magkabila,
    may tsansa pa kaya itong makawala?

    Ganyan ang halos ay nakahalintulad
    ng kinasadlakan ng napakataras
    na kakampi nina Aquino at Roxas,
    matapos ikanta ni Dayan ang lahat

    Ng nalalaman niya tungkol kay De Lima
    na di naaayon sa kalagayan niya
    (bilang dating Kalihim o Sekretarya
    ng Hustisya at ngayon ay Senadora).

    Partikular na r’yan ang patago nitong
    pagdalaw madalas sa Bureau of Prison,
    na lingid sa bayan may iligal itong
    transaksyon sa Munti bago nagsenador.

    At di basta karaniwang ‘inmates’ lamang
    kundi mga ‘big-time-pushers’ nitong bawal
    na droga at pawang mga mayayamang
    Indibidual itong kanyang ‘dinadalaw’.

    Na ayon kay Dayan… na nakarelasyon
    mismo ni De Lima (nang kung ilang taon)
    Siya bilang ‘bagman’ nang panahong iyon
    Ni Mam, malaki ang kanilang koleksyon

    At ‘millions of pesos’ ang ibinibigay
    ng mga ‘inmates’ sa Pambansang Kulungan
    bilang kay De Lima ‘protection money’ n’yan
    sa ‘illegal drug trade’ ng mga ‘drug lords’ d’yan.

    At ngayong lahat na ng inililihim
    ni Mam, ikinanta ng kasuyong lihim
    at nitong isa pang tumayong ‘witness’ din,
    sa katauhan ng ‘drug lord’ na si Kerwin

    Na binibigyan niya si Leila De Lima
    (sa pamamagitan mismo ng ‘driver’ niya)
    ng di lang ‘in thousands’ kundi ‘in millions’ na
    ayon na rin dito sa ‘body guard’ din niya

    (Na ni Ronnie Dayan)… sa puntong naturan
    ay ano pang puedeng nitong isangkalan,
    maliban na nga lang sa kasinungalingan
    at paglulubid ng buhangin kung sanlan?

    Aminin o hindi ng ating magilas
    at ubod ng dunong nating mambabatas,
    anumang gawin niyang uri ng pagsalag
    sa ibinabato, sa mukha ang bagsak.

    Kung kaya ang tanging magagawa na lang
    ay kusang magbitiw siya sa katungkulan,
    kaysa araw-araw siyang pagpyestahan
    sa ‘Senate Inquiry’ at ng Taongbayan.

    Lalo pa’t higit na malaki ang bilang
    ng naniniwala na siya’y talagang
    nagkasala kaysa mga kampante lang
    at animo’y walang pakialam sa bayan.

    Kaya ngayong “No Way Out” na nga talaga
    ang napakatalino nating Senadora,
    mas makabubuting magpakumbaba na
    At ang ‘ego’ nito ay lunukin muna.

    Kaysa kagaya nga ng ating nasabi
    ang inaani n’yan ay hindi papuri
    kundi alipusta sa dangal niya pati
    kung magpapatuloy siya sa pagsisilbi.

    Aywan nga lamang kung sa kanyang gagawing
    pagkalas, sakali, sa takdang tungkulin,
    ay ligtas na siya’t di papanagutin
    ng Taongbayan sa mali niyang gawain?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here