Melissa Ricks gustong sulutin ni Jason Abalos kay Matt Evans

    91
    0
    SHARE
    Makakasama ni Jason Abalos si Melissa Ricks  sa isang proyekto.

    Napabalita noon na masugid na niligawan ni Jason ang huli pero binasted daw siya nito. Kumbaga, lumalabas na mas pinaboran ni Melissa si Jason at naiwang umaasa lang sa wala.

    And when asked kung posible bang magkaroon sila ng magandang pagtitinginan, now that they are together, maiksi lang ang tugon ng young actor.

    “Hindi natin masasabi, kasi alam mo naman ’pag laging magkasama sa taping. Kumbaga, kung anuman ang mangyayari, ako, walang pipigilan kung saka-sakali. Kung ano lang, let it be,” sabi niya.

    Isa si Jason Abalos sa masusuwerteng young actors sa ABS-CBN dahil hindi siya nababakante sa trabaho.

    Magtatapos pa lang ang Pieta pero may kasunod na agad siyang serye, ang Kambal sa Uma, kung saan ay leading man siya ni Shaina Magdayao.

    Bukod dito, suki rin siya ng independent films. Dalawa ang ginagawa niya ngayong indie films, kaya masayang-masaya siya sa blessings na dumarating sa kanya.

    Sa isang indie film nakuha ni Jason ang first acting award. Ito yung Endo na nagawaran siyan bilang Best Actor ng URIAN.

    At kung magtatagumpay siya this time, sa pag-ibig ni Melissa Ricks na makakasama nga niya sa naturang project, tiyak na malulubos na’ng tagumpay niya.

    Like we mentioned earlier, pinaboran nga raw ni Melissa si Matt at si Jason ay binasted niya.

    Pero nang tanungin namin ang young actor, he denied na nabasted siya dahil wala raw ligawang nangyari.

    Matagal na raw silang magkaibigan ni Melissa, mula pa nu’ng  ginagawa nila ang Ang Panday.

    “Text-textan lang naman kami, wala naman pong nangyari,” say niya.

    May issue ring nagkaroon sila ng mutual understanding ni Melissa at itinanggi rin niya ito.

    “Aaminin ko naman kung totoo talaga, pero walang ganu’n.”

    So there!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here