Marian Rivera sinusulot ni Robin Padilla kay Dingdong Dantes

    114
    0
    SHARE
    Halos tiyak na na si Marian Rivera ang susunod na leading lady ni Robin Padilla after Totoy Bato. It is said na nagsabi na si Robin sa GMA 7 management at tiyak ngang iga-grant ang isang ito. Prized possession ng GMA 7 si Robin kahit na hindi naman ganoon ka-successful ang kanyang mga project. Malaking pangalan si Robin Padilla sa local industry at kapag sinabi niya, asahan mong parang sinabi yun ng Diyos,.

    We still remember na noon nga raw, at his peak, lahat ng mga babaing ginusto ni Robin na makatambal sa Viva Films, napagtagumpaya niya. This time, si Marian ang kanyang napagtotripan at alamin natin kung ano ang say ni Marian tungkol dito.

    “It’ll be an honor,” sagot niya. “Siyempre, Robin Padilla ‘yan. Also, wala akong karapatang tumanggi sa sinumang gustong ipareha sa’kin ng management. Ewan ko lang kung papayag si Dingdong .”

    “Oo naman,” says Dingdong. “Even if I were him, si Marian din talaga ang pipiliin ko.”

    Magselos kaya si Dingdong?

    “No, trabaho lang, and I trust Marian. Kami naman ni Marian, pinaghahandaan na namin ang time na ipapareha kami sa iba.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here