Ara Mina manunulot ng lalaki nang may lalaki?

    123
    0
    SHARE
    Minumura raw ng mga fans nina Aljur Abrenica at Kris Bernal si Ara Mina sa ngayon. Sobra raw kasi’ng mga eksena nina Aljur at Ara Mina as if sa totoong buhay parang sila na. Kumbaga, pinagsususpetsahang aagawin nga ni Ara si Aljur kay Kris.

    “I hope they realize I’m just playing a role, although I admit ako talaga ang nagdadala ng love scenes namin ni Aljur kasi ako naman ang mas may experience sa paggawa ng ganyang mga eksena.”

    Sobrang busy raw ngayon si Ara who at present is Allan Dizon’s leading lady in Marino. Ayon kay Dennis Evangelista, line producer para sa ATD Films, makatotohanan at sobrang galling ng portrayal ni Ara sa role bilang asawa ni Allen Dizon sa Marino.

    Wala ring patumangga’ng pagsagot ni Ara sa kontrobersyang kinasangkutan nina Jomari at Pops of late. Kahit na nalaos na ang isyu, sige pa rin ang mga tanong kay Ara na may tonong pinagbibintangan din siyang nakikisawsaw para sa libreng publisidad.

    “No, bakit naman ako makikisawsaw pa diyan? Whatever happened between them, sa kanila na lang ‘yun.  I’m just wondering why si Jom, parang hindi makatagal sa isang babae. He’s not getting any younger. Does he want to be a bachelor for life? Friends na kami uli ngayon kaya nagagawa ko na siyang biruin. I ask him kung ano ba talaga ang gusto niya’t hinahanap niya sa isang makaka-partner niya for life. In fairness to Jom, hindi siya ‘yung type ng lalaki na nananakit ng babae physically. Malapit lang siya talaga sa mga babae. As for me, he knows may bago na akong boyfriend at sinabi pa niya sa’king he’s happy for me and I deserve to be happy. Pero I’d never ask him kung bakit sila nag-break ni Pops. Bawat couple, may kanya-kanya namang reason and who am I to interfere, di ba?”

    Pera ba ang dahilan kungkaya iniwan niya si Jomari?

    “Hindi ko alam kung may kinalaman nga ang pera sa paghihiwalay nila ni Pops,  pero sa amin, wala talagang naging kinalaman ang money at all. May time nga noon that I have bills to pay at ako pa ang nanghiram sa kanya ng pambayad. Marami rin siyang regalong naibigay sa akin that I didn’t expect lalo sa special occasions like my birthday at Christmas. So hindi rin ako naniniwalang pera ang dahilan ng split nila. All I can say is that they’re both mature at alam na  nila ang ginagawa nila.”

    Magkabalikan pa kaya sila ni Jomari?

    Malabo nang mangyari ‘yun. We’ve both moved on at happy ako ngayon sa boyfriend ko. Jom and I are better off as just friends. Isa pa, wala sa track record na may binalikan akong boyfriend. Pag tapos na, tapos na.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here