Home Opinion MAYOR NG BAMBAN, INTSIK NGA BA?

MAYOR NG BAMBAN, INTSIK NGA BA?

784
0
SHARE

Kamakailan lang ang mayor ng Bamban
Na si Alice Guo’y inimbistigahan
Tungkol sa tunay na pagkakakilanlan
O isyu sa kanyang pagkamamamayan

Ang senadorang si Riza Hontiveros
Ay may nakalap na mahalagang datos
Registration of birth ni mayor sa record
Naitala nang siya’y disisiete anyos

Kung talagang siya ay isang lehitimo
O likas ang kanyang pagka-Pilipino
At kung totoo ngang isinilang dito
Bakit dalagita na ng marehistro?

Ang birth certificate sa civil registry
Base sa Republic Act 3753
Bakit hindi noong isa pa siyang baby?
Naiparehistro sa NSO dati

Tugon ng alkalde nang ito’y tanungin
Kung saang iskwela nag-aral sa atin
Di nag-atubili na ito’y sagutin
Sa pamamagitan daw ng home scholing

Kapag tinatanong ang nasabing mayor
Di na matandaan ang palaging tugon
Ang ala-ala niya tila ibinaon
Ng nakalipas na mahabang panahon

Kung pagmamasdan ang maamo niyang mukha
Ang pagka intsik ay halatang-halata
Bagaman tagalog siya kung magsalita
Sa mandarin language higit siyang bihasa

Ang bayan ng Bamban Kapampangan halos
Ang naninirahan at hindi tagalog
Bamban na ang ibig sabihi’y malambot
Na balat tulad sa isang lunong itlog

Ngayon lang nangyari sa bayan ng Bamban
Na ang alkalde ay hindi Kapampangan
Ang masaklap pa’y kung mapapatunayan
Na ang mayor pala nila ay dayuhan

Marami tuloy ang mga nangangamba
Sa katauhan ng halal na mayora
Baka raw ang bansa ay napasukan na
Ng mga espiyang nagmula sa Tsina

Sa pagsasaliksik ng ilang senador
Tila nauugnay pangalan ni mayor
Sa Philippine Offshore Gaming Operator
Na mayrong permisong nagmula sa PAGCOR

Ang imbestigasyon ngayon sa Senado
Di na nakatuon lang sa pagkatao
Ng mayor ng Bamban na si Alice Guo
Kundi pati na rin sa kanyang negosyo

Anong kapalaran ba ang naghihintay
Kay mayora Guo pag napatunayan
Na siya ay intsik at hindi pala pinay
Pagka-meyor ba niya’y mawawalang saysay?

Ang COMELEC kaya sa may Bamban Tarlac
Ay hindi masangkot sakaling masibak
Sa pwesto ang meyor kung sa pagsisiyasat
Ay mayroon palang nalabag sa batas?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here