Maricar Reyes ginagamit ng ABS-CBN para patigasin ang pagkalalaki ni Piolo Pascual

    542
    0
    SHARE

    Aminin man o hindi, dahil sa pag-iyak, pagiging kaawa-awa ni KC Concepcion sa interview sa kanya sa The Buzz noong Linggo, muling nabuhay ang isyung bakla raw si Piolo.

    Malinaw kasi na sa mga proclamation  ni KC, puwede ngang mag-one plus one ang marami na yun ang nais ipakahulugan ni KC sa ilang quotes niya.

    Sa ngayon, sinasabing sobrang affected ang ABS-CBN dahil malaking kasiraan ito kay Piolo. Sa panahong halos nangungulelat na ang aktor dahil sa rami ng mga aktor na naungusan na siya, ayan nga’ng trahedya sa kanyang gender image.

    Muling umapaw ang mga puna, and because of this, sabi nila, gumagawa raw ng hakbang ang ABS-CBN para nga muling itirik ang nagibang imahe ni Piolo.

    At isa si Maricar Reyes sa sinasabing ginagamit ngayon upang patigasin ang pagkalalaki ni Piolo.

    Na kesyo nga si Maricar ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-break up si Piolo kay KC.

    Parang hindi naman kami makapaniwala sa lumalabas na tsismis na si Maricar Reyes daw ang third party sa hiwalayang Piolo Pascual at KC Concepcion.

    Ang pinalalabas ngayon, may nakakita raw kina Maricar at Piolo na magkasama sa isang lugar na hindi naman binanggit kung saan. 

    Hindi ito ang unang beses na nadawit si Maricar sa hiwalayan ng isang showbiz couple.

    Matatandaang siya rin ang itinurong third party noon sa breakup nina Angel Locsin at Luis Manzano.  Pero namatay din agad ang isyu at wala namang nagpatunay o umamin na totoo ’yun kaya feeling ng lahat, walang katotohanan ang tsismis.

    This time, hindi malayong wala ring katotohanan ang Piolo-Maricar issue lalo pa nga’t hindi naman napatunayan ang pagkaka-involve dati ng aktres sa hiwalayan nina Luis at Angel.

    We find it unfair sa part ni Maricar na lagi na lang siyang nadadamay at itinuturong third party. Hindi kaya gimik nga lang ito?

    Well, kung true, ok lang, kung hindi naman talaga totoo, tigilan na!

    Meron ding kumakalat na tsismis na very harsh ang ABS-CBN sa mga media entity who are strongly opining sa gender ni Piolo. Meron daw isang tabloid na napormahan ng ABS at ngayon, ban daw ang ilang personalities na makatuntong sa bakuran nila.

    How true?
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here