Magsasaka, ibong dayo walang pakialaman

    641
    0
    SHARE

    SAMAL, Bataan – Wari ay walang pansinan o pakialaman ang isang magsasaka at mga dayong ibong egret sa inihahandang taniman ng palay sa Barangay Santa Lucia dito  noong Miyerkules ng hapon.

    Patuloy sa panginginain ng uod, maliliit na palaka o kulisap ang mga puting ibon sa sinusuyod ng magsasaka gamit ang kuliglig. Sa pagdaraan ng kuliglig ay uusod lamang ng bahagya ang mga ibon at nag-uunahan sa panghuhuli ng makakain.

    Ang magsasaka naman ay hindi na pinapansin ang mga ibon at tuloy sa pagsusuyod.

    Kapag walang laman ang pinatuyong palaisdaan, karaniwang nagpupunta ang mga egret sa sinusuyod na lupa ng sakahan.

    Makikita ang mga egret at iba pang dayong ibon sa maraming bahagi ng Bataan mula ikalawang lingo ng Setyembre hanggang katapusan ng Marso upang takasan ang malamig na panahon sa pinanggalingan nilang bansa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here