Faith Cuneta napagkamalang buntis

    319
    0
    SHARE
    Sobrang taba ngayon ni Faith Cuneta.

    Kasama siya sa mga special guests ng 1st Star Awards For Music noong isang araw na ginanap sa Skydome ng SM North EDSA. Maganda pa rin si Faith pero talagang dumoble ang kanyang katawan. Na naging dahilan tuloy kaya siya napagkamalangbuntis ng isang kaibigan na matagal na niyang ‘di nakikita.

    “Are you pregnant,” narinig naming tanong kay Faith ng isang member ng National Press Club. “No, medyo mataba lang ako, I am still single,” sagot na nakatawa ni Faith. To that, napaurong sa kahihiyan ‘yung mama na bumulong sa akin, nakahihiya raw na dalaga pala si Faith ay pinagkamalan niyang buntis.

    Nagpa-sorry naman ito kay Faith. “Ikaw kasi, tumaba ka,” sabi panito na namumula nga sa tindi ng kahihiyan.

    “No it’s okey, talaga naming tumaba ako.

    At para nga iligaw ‘yung kahihiyang tinamo, tinanong niya si Faith nang ganito. “Kumusta na ‘yung mommy mo, mahusay pa rin bang magluto?

    “She’s okey, masarap pa rin ang mga niluluto niya. Kaya yata ako lumulobo, ang sarap lahat ng mga pagkaing niluluto niya sa akin,” pahalakhakl na sabi pa ni Faith.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here