Angel Locsin nasa zero level na ang dating love kay Luis Manzano

    257
    0
    SHARE
    Wala na nga bang pag-ibig si Angel Locsin kay Luis Manzano?

    Kinumusta si Angel tungkol sa kanilang dalawa ni Luis pero paiwas pa rin ang sagot ng dalaga.

    May mga tsika kasing four months na palang hiwalay sina Angel at Luis pero hindi lang daw masyadong napag-usapan until finally ay lumabas ang isyung nagkakalabuan na sila.

    Nang tanungin si Angel kung mahal pa rin niya si Luis, sinabi nitong, “Naku, mukhang mahirap yatang sagutin ‘yan.”

    Alam kasi ni Angel, na halatang umiiwas, na baka ma-misinterpret na naman ng marami ang kanyang isasagot.

    Aminado naman si Angel na hindi mawawala ang concern niya para kay Luis lalo pa’t may pinagsamahan sila ng TV host.

    Mukhang okay sina Angel and Luis living their separate lives.

    Dahil kahit naghiwalay sila ng landas ay sinikap nilang manahimik at hindi ‘yung tipong nagtalakan pa sa media.

    Ipinagmalaki rin ni Angel ang pag-donate ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ng kanyang kauna-unahang boxing shoes at jersey na nasuot na niya sa isang laban niya sa abroad.

    Ayon pa kay Angel, maging siya ay balak mag-bid sa idinonate ni Pacman dahil mahalagang remembrance daw iyon galing sa isang Manny Pacquiao.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here