Debate ispup

    83
    0
    SHARE

    Among: Sa loob ng tatlong taon, imbes na ligal na negosyo ang dumami, jueteng ang lumaganap sa probinsya.

    Nanay: Sa loob ng tatlong taon, imbes na dumami ang tapat na mga asawa, lalong dumami ang mga babaero at nagkaka-anak sa iba.

    Among: Political dynasty!

    Nanay: Anti-celibacy! 

    q q q

    Dong: Bumaho ang lungsod dahil sa open dumpsite sa Lara.

    Oca: GMA napariwara dahil sa nakuha mong milyon-milyong kontrata.

    Dong: Denial king!

    Oca: Balimbing king!

    q q q

    Mr. Blue: Humahabol ka ng congressman eh samantalang basketball lang naman ang alam mong gawin.

    Yeng: Gusto mong maging congressman ulit eh samantalang overpricing at pangungutang lang naman ang iyong gawain.

    Mr. Blue: Mainitin ang ulo ninyong dalawa ni Edgardo.

    Yeng: Sugal at babae ang inatupag ninyong dalawa ni Carmelo.

    q q q

    Carmelo: Hindi ako papayag na taasan mo ang buwis upang gipitin ang mga negosyante ng lungsod.

    Edgardo: Lalo naman akong hindi papayag na dalhin mo sa sabungan at sa casino ang pondo ng lungsod.

    Carmelo: Wala kang nagawa sa loob ng tatlong taon mong panunungkulan bilang alkalde.

    Edgardo: Wala kang nagawa sa loob ng 19 taon mong panunungkulan bilang congressman, alkalde at congressman ulit.

    q q q

    Gloria: Kilala ba kita?

    Dabu: Taga-Veterans kaba?

    Gloria: Sigurado magsasama kayo ni Among sa kangkungan!

    Dabu: Sigurado ako magsasama din kayo ni Zaldy sa kulungan!

    q q q

    Jomar: Playboy!

    Buddy: Mama’s boy!

    q q q

    Noel: Pondo ng munisipyo inubos mo!

    Marino: Pera ng barangay ginamit mo!

    q q q

    KWENTUHAN SA KALYE.

    Taga-Magalang1: Pare iboboto mo ba ulit sa meyor?

    Taga-Magalang2: Pare may meyor ba tayo?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here