Charee Pineda girlfriend ng isang young Pampanga councilor?

    401
    0
    SHARE
    Naku ha, malamig na ang mga gabi dahil malapit na ang Pasko. Hindi kaya true ‘yung nabalitaan naming may magandang relasyon na si Charee Pineda sa isang youngstar na sumisikat ngayon at bida sa isang indie film na ang titulo ay Alon?

    Ang tinutukoy naming konsehal ay ang batambatang politician sa Magalang dito sa Pampanga ay si Janus Calara. Janus is somehow connected in the showbiz circuit hindi dahil lang sa artistahain siya kundi marami rin siyang kaibigan sa loob ng mainstream entertainment world. Si Janus ‘yung noon ay na-link sa sexy star na si Cristine Reyes. Kaibigan din niya ang Starstuck wannabe na si Stef Prescott.

    Tatanungin na sana naming si Janus pero knowing him, tiyak na magde-deny lang siya. Low-profile kasi ang friend naming ito at hindi mayabang na gaya ng iba na nakilala lang ang isang artista, feeling artista na rin.

    Nakibalita na lang kami sa ilang sources tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa.

    “Mukhang sila nga dahil seloso na si Janus. Minsan kasi, nabanggit ko lang sa kanya  na nali-link pala si Charee sa ex ni Pauleen Luna na si Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City, parang nalungkot na ito. Hindi namandaw totoo ‘yun dahil mismong si Charee raw ang nagsabi sa kanya na ‘di totoo ‘yun. Nang tanungin ko naman kung sila na ba ni Charee, close lang daw sila at nababaitan lang siya sa sumisikat na youngstar. Naguluguhan talag ako diyan sa kaibigan mo kaya ikaw na lang ang makibalita sa showbiz kung totoo ba,” sabi pa sa amin isang friend din ni Janus.

    Ano nga ba ang real score, Mr. Councilor?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here