Cesar Montano gusto nang makipag-ayos kay Sunshine Cruz

    202
    0
    SHARE

    Sa tanong kay Cesar Montano kung bakit ang offer ng GMA-7 na Akin Pa Rin ang Bukas ang tinanggap sa mga offer sa kanya, sagot nito, mas magaan ang feeling niya sa project, mganda ang material at chance niyang muling makatrabaho si Direk Laurice Guillen.

    Kinumpirma ni Cesar ang nabanggit ni Solenn Heussaff na nagkita na sila when Solenn was 13 years old nang isama ng ama nito sa shooting niya ng Jose Rizal.  Hindi raw niya ma-imagine na ang batang ’yun ay katrabaho na niya ngayon at leading lady pa sa nabanggit na soap na magpa-pilot sa September 9.

    Hindi na nakaiwas si Cesar sa mga sumunod na tanong gaya ng if he’s single.

    Sagot nito, sa mata ng Diyos at sa batas, may asawa pa rin siya at anti-divorce raw ang Panginoon.

    In fairness sa press, hindi masyadong brutal ang mga tanong kay Cesar dahil siguro present ang manager niyang si Shirley Pizarro na nag-palpitate sa nerbyos sa mga itatanong sa aktor.

    Sabi ni Cesar: “Sa sobrang pagmamahal ko sa mga anak ko, gusto kong matapos na ang gulong ito dahil kawawa sila. Nalulungkot ako na pati silang mga walang kinalaman, nadadamay. I hate this, but feeling ko, God is preparing me for a bigger issue in life.”

    Hindi na nagtagal sa presscon si Cesar dahil may meeting pa sila ni Shirley sa director ng gagawing indie film ng aktor kapareha ang isang Kapamilya star.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here