Home Headlines Baliwag mayor negatibo na sa Covid-19 sa second testing

Baliwag mayor negatibo na sa Covid-19 sa second testing

224
0
SHARE

BALIWAG, Bulacan —- Nagnegatibo na sa ikalawang pagsusuri sa Covid-19 ang alkalde ng naturang bayan na si Ferdie Estrella.

Sa mensaheng ipinadala ni Estrella sa Punto! ay ibinalita nito na negatibo na nga ang resulta ng kanyang ikalawang pagsusuri para sa coronavirus.

Gayunpaman ay isang pagsusuri pa daw na negatibo din ang resulta ang kinakailangan at maayos na resulta ng xray at oxygen level bago siya tuluyang mai-clear sa naturang sakit.

Sa ngayon, ay umaayos na daw ang kanyang kalagayanat umaasang sa mga susunod na araw ay makakalabas na rin ng ospital. 

Matatandaan na March 17 nang ianunsyo ni Estrella sa publiko na siya ay nagpositibo sa Covid-19 at nakaranas ng panghihina ng katawan at sipon.

Hindi pa malinaw kung saan posibleng nakuha ng alkalde ang sakit dahil wala naman daw itong travel history.

Samantala sa kasalukuyan ay isa ang confirmed case ng Covid-19 sa bayan ng Baliwag at ito nga ay si Estrella, habang 34 ang PUIs, 118 ang PUMs at 93 ang nakatapos na ng quarantine.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here