Ara Mina iritado pa rin kay Manny Pacquiao
    (Mas sexy daw sa kanya si Cristine Reyes)

    686
    0
    SHARE
    Matapang na si Ara Mina ngayon na isiwalat ang pribado niyang buhay. Kahit yung bago niyang lover ay hindi niya ipinagkakaila. Di gaya noon, lahat na lang ng ma-link sa kanya ay ayaw niyang aminin.

    Sobrang in love ba si Ara Mina?

    Isang Chinese businessman pala ang nobyo ngayon ni Ara, partners sila sa ilang negosyo before at magkasundo umano sila. 

    Matipid pero may kilig na nagbibigay ng impormasyon si Ara tungkol sa bago niyang karelasyon.

    Aniya, 6’1 daw ang height ng guy nang tanungin ni Kris Aquino kung naipakilala na siya sa pamilya nito ay napatango ang sexy star.

    “Oo, ipinakilala na niya ako sa parents niya, sa mga kapatid niya. Nag-dinner na ako sa kanila.”

    Hopefully, this relationship is something for keeps.

    Kasi nga,  maging si Ara ay nagsasabing she’s not getting any younger na rin, she wants to work things out din. Pero, nilinaw ng aktres, bagama’t gusto niyang magkaanak, hindi siya nagmamadali. Not at this time.

    Ipinagmamalaki rin ni Ara ang kapatid niyang si Cristine Reyes.

    Kahit madalas sinasabing mas magaling at mas sexy si Cristine, okey lang ito kay Ara.

    Tanggap daw niyang mas sexy naman talaga ang batang kapatid at siya naman ay may katangian din na wala kay Cristine.

    Nu’ng tanungin kung ano ang ipinagkaiba nila?

    “Mas bilugan ang katawan ko sa kanya, si Cristine, slim talaga siya. Ano ang meron ako na wala siya? Kumakanta ako,”  kaswal pang sagot ni Ara.

    Halatang iritable lang si Ara nu’ng tungkol sa issue sa kanila ni Manny Pacquiao ang itinanong sa kanya. Luma na raw kasi ang isyung ‘yan at walang katotohanan ang chikang ni-link siya kay Manny noon. Sana raw ay patahimikin na siya ng mga nang-iintriga sa kanya at sa boxing champ.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here