Home Headlines Agila nahuli

Agila nahuli

197
0
SHARE

Ang nahuling agila mula sa screenshot sa facebook video ni Jenneth Ramos Reyes.



LUNGSOD NG
MALOLOS — Isang batang agila ang nahuli sa Barangay Tikay nitong Miyerkules ng hapon.

Ang batang agila ay nahuli ng residenteng si Teodoro Hernandez Jr. habang nakadapo sa bubungan ng isang bodega.

Aniya, napansin niya na nanghihina ang agila kayatsinikap nya itong mahuli para i-turn over sa kinauukulan.

Dinala niya ang agila sa barangay ngunit isang lalake na residente rin ng lugar na nakilalang si Gian Domingo ang nagsabi na pagmamay-ari nito ang agila at nagpakita ng mga dokumento.

Dahil doon ay ibinigay ang agila kay Domingo at napag-alaman ng Punto! na ang batang agila ay ibinalik naman daw ni Domingo sa kanyang nabilhan na residente naman ng Angeles City sa Pampanga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here