LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Personal na ipinrisinta kay Vice Gov. Lilia “Nanay” Pineda ni barangay kagawad Jerry Guese, presidente ng Nagkakaisang Magpapatubig ng Paroba, Matamo, Arayat Inc., ang sample ng aning sibuyas na itinanim ng walang kemikal sa pitong ektarya sa Arayat.
Ayon sa ulat, umabot sa 91,000 kilos ang inaning sibuyas sa sakahan na alternatibong tinatamnan din ng mani at mais.
Tuwang-tuwa ang bise gubernador sa tagumpay sa pagsasaka ni Guese at ng kanyang Samahan at bnangako itong tutulong siya sa marketing ng produkto.
Pinasalamatan naman ni Gov. Dennis “Delta” Pineda sina 3rd District board member Jun Canlas, ang chairman ng sangguniang panlalawigan committee on agriculture, Rowena Kassem at Jimmy Manliclic ng office of the provincial agriculturist, Mayor Bon Alejandrino, municipal agriculturist Rodel Lising at Department of Agriculture Region 3 sa pag-antabay sa mga magsasaka. Pampanga PIO