Joyce Ching enjoy maging kontrabida

    282
    0
    SHARE

    Ilang linggo pa lang tumatakbo ang Anna Karenina, pero wish na ni Joyce Ching na ma-extend ang soap dahil masarap daw pala maging bida.

    Kahit bratty ang role, bida pa rin ang young actress kasama sina Barbie Forteza at Krystal Reyes.

    Nalinya sa kontrabida role si Joyce, pero bilang si Nina sa Anna Karenina, bida na siya, mas mahaba ang exposure at mas matindi ang mga eksena.

    Si Hiro Magalona ang partner dito ni Joyce na sa pictorial, napansin niyang ilang sa kanya’t iniisip pala nito ang BF niyang si Kristoffer Martin.

    Tinawagan ni Joyce ang BF para kausapin si Hiro na walang dapat ikailang dahil trabaho ang ginagawa nila.

    Saka pa lang nag-relax sa pictorial si Hiro and hopefully, maging komportable siya sa mga eksena nila ni Joyce.

    Isa pang wish ni Joyce ay ang muli silang pagsamahin ni Kristoffer dahil miss na niya itong makatrabaho.

    Two years and five months na ang relasyon ng dalawa na nagsimula noong January 24, 2011.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here