Pagpugot ng ulo sa isang Pinoy sa Saudi, hindi ipinaalam sa gobyerno ng Pilipinas

    762
    0
    SHARE

    CLARK FREEPORT —-Hindi na inabisuhan  ng Saudi government ang Pilipinas sa pagpupugot  ng ulo kay Carletto Lara, convicted sa  pagpatay kay Saudi national Nasser Al-Gahtani  noong 2010. 

    Ayon kay Vice President   Jejomar Binay, hindi  naman daw siya nabigla sa parusang ito dahil di  gaya ng ibang bansa,  hindi  naman nagbibigay  ng abiso ang Saudi kung kailan ipapataw ang pagpupugot  ng ulo sa isang  nasa death row. 

    Ayon pa kay Binay, ang isang binitay sa Saudi Arabia ay hindi na  naiuuwi ang bangkay saPilipinas kayat doon na ililibing si Lara.  Nakahanda naman aniya na tumulong ang  gobyerno sa pamilya ng OFW na pinugutan ng   ulo. 

    Ayon kay Binay, sa  ngayon ay bineberipika na ng kaniyang tanggapan  kung documented OFW si Lara nang sa gayon at makakuha  din ng tulong mula sa OWWA.

    Ngunit bukod doon  ay magbibigay pa rin daw ng tulong pinansyal  ang gobyerno para sa  ga naulila ni Lara dito  sa Pilipinas. Maging si Binay ay  personal din daw na magbibigay ng tulong sa mga naulila  ngunit  tumanggi na siyang idetalye ito.  Ayon kay Binay, sa pagkakaalam niya ay taong 2010 pa ng masangkot  sa  krimen si Lara sa  Saudi at malagay ito sa death row.  

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here