12 bata na-food poison sa tuba-tuba

    377
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS — Labindalawang kabataang lalaki ang isinugod  sa ibat-ibang pagamutan sa Bulacan    matapos mabiktima ng food poisoning dahil sa pagkain ng tuba-tuba  nitong Linggo.

    Ang 12 biktima ay  pawang nasa edad 9 hanggang 10 gulang mula sa  Baranggay Matimbo dito.  Sila ay isinugod sa pagamutan matapos sabay-sabay na makaranas  ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, tuloy-tuloy na pagdudumi  at hirap sa   paghinga. 

    Walo sa mga ito ang isinugod sa  Bulacan Medical Center habang angapat ay isinugod naman sa ibat-iba    pang pagamutan.  yon kay Julita De Guzman, ina ng isa sa batang nabiktima, galing sa  isang resort ang  mga kabataang ito  at nagsipaligo nang madaanan ang puno ng tuba-tuba sa isang bakanteng lote. 

    Nakatuwaan daw   ng mga ito na magsikain ng bunga ng naturang  puno hanggang sabay-sabay na samaan ng pakiramdam kayat  agad na  nilang isinugod sa mga pagamutan. Nasa ligtas naman na kalagayan ang mga nabiktima ngunit sila ay  iko-confine sa pagamutan ng hanggang  apat na araw upang obserbahan at paglalapat ng karampatang lunas. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here