MALOLOS CITY—Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sanhi ng mga flashfloods sa Bulacan kung saan ay 23 ang kumpirmadong patay, ngunit inaasahang aabot sa 50 ang bilang.
“This is the worst flood that we have in years as far as casualty is concerned,” ani Governor Joselito Mendoza sa mga dumalo sa isinagawang briefing ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.
Batay sa mga ulat, 23 na ang kumpirmadong patay sa mga biglaang pagbaha sa lalawigan mula noong Sabado, ngunit siyam pa lamang ang nakikilala.
Ang mga biktimang ay nakilalang sina Abet San Pedro, Roberto Pacao at Erick Portugal ng Bocaue; Angelica Arajo at Benjamin Juliano ng Bustos, Ramon Denistosa, Fortunato Saturnino, at Faustino Policarpio ng Meycauayan City; at Rodel Casino ng Guiguinto.
Walo pang biktima ang sinasabing kumpirmadong namatay sa bayan ng Marilao, ngunit ayon sa ilang opisyal ng nasabing bayan, maaaring umabot sa 30 ang namatay sa kanilang lugar.
Ito ay dahil sa sinagasaan ng flash flood ang NorthVille IV na matatagpaun sa Barangay Lambakin, Marilao. Ang Northville IV ay ang pinaglipatan ng mga iskwater sa gilid ng riles ng Philippine National Railways upang bigyang daan ang proyektong NorthRail.
Ayon ay Mendoza, “Marilao is the worst hit municipality in Bulacan with mounting casualties.”
Kahit araw ng Linggo kahapon, inatasan ni Menoza ang mga empleyado ng kapitolyo at mga munisipyo na magsipasok upang makatulong sa relief at rescue mission na kanilang isinasagawa.
“We need more people to prepare relief goods and other materials to be distributed to thousands of families,” ani Mendoza.
Kaugnay nito, iniulat ni Provincial Administrator Perlita Mendoza ma umabot sa 13,576 pamilya o 44,178 katao ang naapektuhan ng pagbahang hatid ng bagyong Ondoy sa 118 barangays na matatagpuan sa 22 bayan at lungsod sa Bulacan.
Iniulat din niya na umaabot na lang sa 2,000 pamilya ang natira sa mga evacuation center sa lalawigan dahil nag-uwian na ang iba kahapon ng umaga.
“Nagbalikan na din sa bahay nila yung mga tao dahil bumaba na ang tubig, at para asikasuhin ang mga kagamitan nila,” ani ng provincial administrator at idinagdag pa na umabot sa isa hanggang siyam na talampakan ang lalim ng baha sa 22 bayan sa lalawigan.
Ito ay ang mga bayan ng Bulakan, Hagonoy, Obando, Paombong, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Baliuag, San Rafael, San Miguel, Donya Remedios Trinidad, Angat, Norzagaray, Sta. Maria, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Bustos, at mga lungsod ng Malolos, Meycauayan, at San Jose Del Monte.