Home Opinion Bayan ni Ka Luis M. Taruc

Bayan ni Ka Luis M. Taruc

164
0
SHARE

Puwing ka dumapo, sa pusod ng lupa
Katabi mo ang agos, ng ilog Pampanga
Dito nagsibangon, bumalong na kusa
Magigiting na taong nagtanggol sa bansa.

Ating kasaysayan, panahon ng gyera
Sa bayan ng San Luis, dito nakilala
Maraming kumander, lider maka-masa
Tagal na pagsakop, pinutol nang bigla.

Pagkatapos ng gulo, di parin huminto
Dinala sa bundok, ang apoy sa puso
Gobiernong tinatag, nasa’y pagbabago
Hindi parin sapat, dapat pang iwasto.

Iilang pagod na, di na kayang edad
Bumaba ng bundok, nagsilong ng armas
May’ron pang naiwan, prinsipyo’y di mabaklas
Hanggat may hininga, patuloy sa paglamas.

Iba’t ibang uri nang pamamahala
Patag na alon, bayan ay payapa
Subali’t sa dibdib, may pag-aalab pa
Di kayang patayin, hanggat nagbabaga.

Di dapat limutin, bayan ni Ka Luis
‘Yang mga guerilya, buhay ibinuwis
Kahit sila’y wala, sa hukay nasilid
Dahil sa kanila, paglaya’y nakamit.
(Alay sa kapistahan ng San Luis, Pampanga, Hunyo 21 at
kapanganakan ni Ka Luis Taruc, Hunyo 21, 1913)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here