Home Headlines Water tanker bumangga sa tindahan: 1 patay, 4 sugatan

Water tanker bumangga sa tindahan: 1 patay, 4 sugatan

194
0
SHARE

MARIVELES, BataanIsa ang patay habang apat ang nasugatan nang bumulusok sa kalsada ang water delivery tanker at nasagi ang ilang tricycle at bumangga sa tindahan sa isang barangay dito Martes ng tanghali.

Kinilala ang nasawi na si Mark Anthony Arado, 34, driver ng water district office, na idineklarang dead on arrival sa isang ospital. Ang apat na nasugatan matapos mabigyan ng pang-unang lunas ay nakalabas na rin sa ospital.

Ayon kay kagawad Rene Cruz ng Barangay Ipag kung saan nangyari ang aksidente, sa itaas pa lamang ng pabulusok na kalsada ay wala na diumanong preno ang sasakyan.

“Kinalsuhan daw ito habang nakakambiyo ng paatras pero nadurog ang kalso kaya umusad na paabante ang tanker at natanggal sa pagkakambiyo,” sabi ng kagawad.

Nagdire-diretso umano pababa ang sasakyan at nahagip una ang ilang triycle, sumunod ang isang tauhan ng barangay na namimili sa isang tindahan at ang mini-mart.

“Nakabukas umano ang pinto ng water tanker na tumama sa tindahan kaya nasama ang driver na nahulog at bumaligtad at napunta sa ilalim ng kanyang sasakyan,” sabi ni Cruz.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ng Mariveles.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here