Walang inggitan kina Alex at Toni Gonzaga

    294
    0
    SHARE
    Ilang taon na rin naman ang Juicy ng TV5 sa ere pero hindi pa rin talaga ito makalaban sa ratings game. To think na talaga namang very exciting ang mga balita nila lalo pa nga’t puro de kalibre naman ang mga hosts ng show. Can you imagine na nandiyan sina Cristy Fermin, Mo Twister, Shalala, IC Mendoza and Alex Gonzaga.

    Nang makausap nga namin si Alex, tinanong namin siya kung nakukuwentuhan ba siya ng ate niyang si Toni Gonzaga ng mga issues sa mga artista, partikular na ng ABS-CBN.

    “Hindi naman, tinatanong nga ng mga artista ang mommy ko kung siya ba ang nagkukwento kasi bakit daw namin nalalaman,” natatawang say ni Alex. Basta raw sinabihan daw siya ng ate niya na huwag nang makisali sa mga opi-opinyon ng hosts para hindi magalit sa kanya ang mga artista.

    “Dati pa niya ako sinabihan na kung ayaw ko lang maging host at gusto mo ring mag-artista, ’wag ka muna mang-away at huwag kang magre-react na parang may alam ka sa showbiz, bata ka pa, wala ka pang ganu’ng ka-authority. Eh si IC naman, Inday Badiday at Dolly Ann Carvajal (ang pasaporte kung baga), linya niya talaga ’yun, eh.

    “Eh ako, mahirap po, saka minsan, kaibigan ng ate ko (ang ibinabalita nila), so, nakaka-ano,” say ni Alex.

    So far, wala pa namang nagagalit sa kanyang artista?

    “’Yung pinaka-dati lang, ’yung fans ni Kim (Chiu), ’yun lang, pero wala na. ’Yung fans nga ng Melason, binigyan pa nila ako ng cake, kasi, pinagtanggol ko raw sila.”

    Pinatanong nga raw niya sa ate niya kung nagagalit sa kanya si Pokwang na as we all know ay may away ngayon with Nanay Cristy at say naman daw ng komedyana kay Toni ay hindi naman daw siya galit kay Alex.

    Aminado si Alex na medyo nainis daw siya nang malaman niyang magiging part ng The Buzz ang ate niya.

    “Kasi katapat ng BF-GF (show ni Alex sa TV-5). Sabi ko, ‘ate, ’yung mga fans mo, sa ’yo na manonood’. Sabi niya, ‘kita ko, conflict of interest ka, pumapasok na sa isip mo, dapat maging masaya ka para sa kapatid mo’. Sabi ko, sorry, masaya na ako para sa ’yo.”

    Actually, magkatapat din ang variety show nila every Sunday na ASAP XV ng ABS-CBN kung saan kasama si Toni at ang PO5 ng TV5 kung saan part din naman si Alex. Pero ang nanay daw nilang si Mommy Pinty ang nalilito kung aling channel ang panonoorin.

    “Dalawa talaga ang TV na pinapanooran niya, isang PO5 at isang ASAP. Tapos pag uuwi ako, tatanungin ko, ‘mommy, napanood mo?’ Oo, sasabihin niya. Tapos, ang ate ko ’pag darating, ‘mommy, napanood mo?’

    “Pero nahihirapan din si mommy, kapag napanood niya ang ate ko, hindi niya ako mapapanood, kaya kung minsan, alternate, ganu’n.”

    Pero hindi naman daw issue sa bahay nila ’yun at never naman daw siyang nagtampo kung may pagkakataong sa ate niya naka-focus ang parents niya.

    “Kung minsan kasi, mas malaki ’yung mga nagiging issue ng ate ko, so kung ’yun lagi ang pinag-uusapan sa bahay, okay lang. At saka, kunyari, malaki talaga prod (production number) niya, kung magho-hosting lang naman ako, okay lang na siya ang panoorin ng mommy ko. At saka ‘yung launch ng The Buzz, okay lang na doon manood si mommy. Wala pong issue kasi, dalawa na nga lang kaming magkapatid, eh.”

    Enjoy na enjoy naman si Alex sa kanyang ginagawa at puring-puri siya ng mga staff ng Juicy dahil napaka-witty rin daw nito just like her sister.

    Mapapanood na ang Juicy from 11:30 a.m. to 12:30 p.m. at sa gabi naman ay may replays from 11:30 p.m. to 12:30 a.m. Napapanood ang nasabing talk show Mondays thru Fridays.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here