Wala ng alas na mailabas? Aljur Abrenica tinabla na ng GMA 7?

    252
    0
    SHARE

    Missing as in di man lang nababanggit  o naipakikita si Aljur sa mga plugs ng mga bagong shows ng GMA 7 ngayong 2012. Is this saying na kaput na siya at wala ng balak ang netwerk na tangkilikin siya?

    Dapat sana magkapareha sina Aljur at Rhian Ramos sa GMA movie na My Kontrabida Girl, pero problemado pa ito at di sigurado kung matutuloy dahil sa pagbabakasyon ng young actress sa trabaho.

    Wala pang kasiguraduhan kung magre-resume pa ba ang shooting nito o tuluyan nang magsi-shelve. Sa true parehong nega ngayon sina Rhian at Aljur kaya talagang malabo na ito.

    And obviously, nauungusan na ang Kapampangang actor ni Alden Richards. Maiksi man ang role sa Panday 2, malaking exposure na rin para sa kanya ’yon dahil marami ang nanood ng movie.

    Maarte kasi si Aljur na inayawan ang project kaya ayan, nakarma yata siya.

    Si a;lden ngayon ang bini-build up ng GMA. Malakas din ang suporta kay Alden ng higher executives ng network kaya sigurado na ang projects nito ngayong 2012.

    What went wrong kaya kay Aljur? Oo, naisama siya sa Amaya pero hindi gaanong nagmarka ang role niya sa epic serye, huh! Mabuti pa nga ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla, may bagong project sa GMA.

    O baka naman sadyang minalas siya dahil kay Kylie. Karmic siya dahil sa ginawa niyang pagdispatsa kay Rich Asuncion?

    Hindi ba nakatulong si Kylie sa pagkaka-link sa kanya para lalong umangat ang career o talagang may problema sa kanya?

    Sa ganang amin, nakukulangan kasi kami sa sinseridad ni Aljur tuwing nakakaharap o nakikita namin sa telebisyon.

    Kulang man ang husay niya sa pag-arte, natututunan naman ang aspetong ’yon ng isang artista. Pero ’yung maging totoo sa pagharap sa mga tao, isang malaking factor ’yon upang maging sincere din ang paghanga ng publiko sa isang artista.

    May natitira pa kayang alas si Aljur para mabawi ang naunsiyaming popularidad?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here