Ai Ai Delas Alas ginagamit ni Vice Ganda?

    257
    0
    SHARE

    Deadma lang si Ai Ai sa isyung inaamin ni Vice Ganda na meron silang hindi napagkakasunduan. Mabilis ang pagkalt ng insidenteng inisnab ni Vice si Ai |Ai nang minsang magkita sila sa isang hotel noong Pasko.

    Abot-abot nga ang pamalita ni Vice at sinasabing galit nga sila ni Ai Ai gayung walang sagot si Ai kapag siya ang tinatanong.  Kumbaga, di ina-acknowledge nito na nag-aaway nga sila ni Vice.

    Sa The Buzz na inamin ni Vice na mayroon nga silang gap ni Ai-Ai delas Alas at totoo rin daw ang nasulat ni Ricky Lo sa kolum nito na inisnab niya ang Comedy Concert Queen nang magkita sila sa Manila Peninsula last Dec. 25.

    Galing daw si Ai-Ai sa charity work that day at naisipang kumain sa Manila Penn kasama ang mga anak.

    Nagkataon naman na narooon din sina Kris Aquino, Liz Uy at Vice Ganda na galing sa screening ng Segunda Mano.

    Lahat daw ay bumeso kay Ai-Ai maliban kay Vice.

    Hindi naman nag-deny ang komedyante sa kanyang panayam sa The Buzz.

    “Totoo pong nangyari ‘yon na hindi po kami nagpansinan ni Ms. Ai-Ai sa isang lugar. ’Di kami nagpansinan, ’di ko siya pinansin, ’di niya ako pinansin at walang pansinang naganap kasi mayroon po kaming pinagdadaanan,” pag-amin ni Vice Ganda.

    “Mayroon po kaming isyu na kinakailangang maresolba at nawa’y maresolba sa takdang panahon,” sabi pa nito.

    Ipinaliwanag ni Vice na hindi naman daw porke’t inisnab niya si Ai-Ai ay bastos na siya. Aniya, may problema raw kasi sila kaya naman ganu’n ang kanyang naging aksyon.

    “Gusto kong linawin na mayroon po kaming problema ni Ms. Ai-Ai at ‘yun ang dahilan kung bakit naganap ang sitwasyon na ’yon. Mayroon kaming problema at ina-acknowledge ko po ‘yon.

    “At kung mayroon akong taong na-offend sa pangyayaring ‘yon, eh, humihingi po ako ng tawad kung na-offend kayo at ’di niyo nagustuhan ang pangyayari. Mayroon po kaming problema at ako po ay nagpapakumbaba sa mga hindi nagustuhan ang pangyayaring ‘yon.

    “Naniniwala ako sa takdang panahon ay mauunawaan ninyo kung bakit nangyari ‘yon. Sana sa takdang panahon ay magkaroon ng resolusyon ang problemang ‘yon,” pahayag pa ng komedyante.

    Hindi na niya sinabi pa ang dahilan ng kanilang tampuhan kaya naman marami ang gustong malaman kung ano ba talaga ang puno’t dulo ng lahat at kung gaano kalalim ang problemang ito.

     Sa bersyon nii Ai-Ai sa tampuhang ito, nagtataka nga rin daw ang Comedy Concert Queen at hindi raw nito alam na may tampuhan sila ni Vice.

    Ang nakakaloka pa, ayon sa nasagap namin, hindi nga raw naramdaman ni Ai-Ai na naisnab siya ni Vice sa Manila Penn at nabasa lang daw niya ito sa column ni Tito Ricky.

    Clueless daw si Ai-Ai kung paano sila nagkaroon ng rift ni Vice at ’pag tinatanong na nga lang daw ito tungkol sa issue, ang sinasagot na lang daw ng komedyana ay  “hindi ko alam. God bless you more.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here