Wala na kasi Jessy Mendiola
    Malamig pa rin ang darating na Pasko ni JM De Guzman

    102
    0
    SHARE

    Nakatsikahan namin si JM De Guzman sa taping ng “Hawak-Kamay”. Kinuha namin ang reaksyon niya sa kuwento ni Joross Gamboa na maraming naghihintay sa kanya na maging kapalit ni Jessy Mendiola. May isang actress nga na nagtapat na super crush niya si JM. “Sino ‘yun?,” bungad niyang reaksyon.

    “Ang guwapo-guwapo ko naman,” tumatawa niyang pahayag. “GGSS? (Gandang-ganda sa sarili) Niloloko lang ako nu’n, si Joross pa? Nagti-trip lang ‘yun. He!he!he,” sey pa niya.

    Ano ang feeling na pinagnanasaan siya at may naghihintay sa kanya na sana ay mapansin siya?

    “Wala yatang ganoon. Kung meron man,e,di ano..speechless ako. He!he!he!,” pakli pa ng binata. Ready na ba siyang magmahal ulit? “Priorities ko siyempre magtrabaho po ulit, ma-gain ‘yung trust ng ABS-CBN ulit sa akin na sana mas mabigyan nila ako ng contract to work with them. ‘Yung lovelife, ihuhuli ko muna.” seryoso niyang tugon.

    “Focus muna sa career at saka ayusin ‘yung naiwan ko ( sa showbiz),” sey pa niya. Kumusta na sila ni Jessy Mendiola? “Pag nag-uusap kami ano na lang eh magkaibigan na natatawa sa mga nangyari dati, ayon parang parehas naman kami na looking forward na maging mas good friends,” aniya.

    Gagawa ba siya ng way na makipagbalikan kay Jessy? “Wala naman po akong sinara o wala akong parang… wala naman po akong sinasabi na ‘Tapos na.’ o ganyan. Bahala na, sa ngayon ang naisip ko lang career ko po.,” bulalas niya.

    Paano ang Christmas, magiging malamig? “Family, sa bahay lang ..kasi last year wala ako. Malamig talaga ‘yung Pasko…nu’ng last year pa. Pero sa ngayon kahit malamig, sana sa positive,” aniya pa.

    Anyway, happy naman siya sa exposure niya sa ‘Hawak-Kamay’ bilang half brother ni Piolo Pascual. Halos everyday raw sila nagtitaping ngayon at masaya naman ang buong set.

    First time niyang makatrabaho si Papa P, kumusta? “Nakaka-starstruck pa rin siya, eh. Sobrang ‘yung feeling iba eh kasi parang si Piolo kasi kaeksena ko, ‘yung mga scenes pa namin hindi rin naman magagaan, mabibigat so masaya at nakakataba ng puso na nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya,” deklara niya.

    Hindi ba siya naiinggit sa mga kasalan scene sa ‘Hawak Kamay’ gaya nina Piolo at Iza Calzado?

    “Hindi pa. Wala pa naman sa plano ko. Matagal pa ‘yun. Mga 5 to 10 years pa,” bulalas pa niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here