Wag naman ganyan

    447
    0
    SHARE
    Hindi naman yata tama na bintangan ng masama ang mga Jaycees ng Angeles City, ang mga namumuno at miyembro ng Hotel and Restaurant Association of Pampanga (HRAP), at ang pamunuan ng Department of Tourism (DOT) Region III Branch Office, DOT Regional Director Ronnie Tiotuico at ang mga empleyado sa opisinang ito dahil lamang sa pagnanais nila na mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan ng siyudad Angeles na marinig at makilatis na mabuti ang mga kandidato sa pagka mayor ng siyudad. Sila ay nagbigay ng panahon, nagpakapagod at gumastos ng sarili nilang pera in order to hold a public debate among the three mayoralty aspirants upang mailatag nila ang kanilang plata porma de gobyerno at maipaliwanag sa taongbayan kung papano nila maipapatupad ito pag sila ay nanalo.

    Ano ang masama dito?  Di  ba sa kasalukuyan ay marami tayong napapanood na public debates ng mga kandidato sa pagka-presidente, na dinadaluhan naman ito ng mga nasabing kandidato para maipaliwanag nila sa bayan ang kanilang plata porma at malinawan ng mga botante ang kanilang mga balak gawin?  At upang makilatis silang mabuti at makapili ng tama kung sino ang dapat iboto, di ba?

    At di ba na these public debates were arranged by and held through the efforts and sponsorships of various civic, professional, students, colleges and universities, business, and media groups like the ABS-CBN, GMA 7, and the Makati Business Club, to name just a few?  I have yet to hear a politician or even a black propagandist of any desperate politician—from any group, even from the Left, the Middle, or the Right—-na bintangan ng masama ang alin man sa mga grupo who arranged and held those public debates.

    Pero tila kakaiba yata talaga ang kandidatong ito na tumatakbo for mayor ng ating siyudad dito sa Angeles.  Sa pamamagitan ng isa sa kanyang mga galamay, kung anu-anong masasamang bintang ang ibinato sa mga Jaycees, sa HRAP, sa DOT Region III Branch Office, at kay Director Tiotuico:

    Kesio may “trap” daw na  inihanda laban sa kandidatong ito. Kesio si Director Tiotuico daw ay nakipagkontsabahan sa kanyang kapwa Jaycees para masilo ang kandidatong ito sa “trap” na inihahanda;  Kesio ginagawa daw ni Director Tiotuico ito para sa “close friend” niyang “candidate Ed Pamintuan” (dili iba ang inyong lingkod) pagkat ako raw ay isang Jaycee rin tulad ni Dir. Tiotuico. (Ano kaya ang palagay niya sa mga Jaycees para akusahan niya ng masamang motivo?)

    Kesio ito raw public debate na balak isagawa ay isang “partisan affair disguised as venue for debate.”  (At may ikinabit pang lihim na banta  kay Dir. Tiotuico “not to open himself up to suspicion of ‘politicking’” pagkat ito ay malapit ng mag-retire, na may himig na pagbabadyad na: ikaw din, bahala ka.)  Kesio meron daw “clear indication that the foreigners, most of whose establishments are located in Balibago, would want to subject the city mayor to questions about local taxes and city ordinances against girl minors working as GROs.” (Uuuppps, medyo sumabit yata dito yung galamay, ah.  Di ba lumitaw dyan na may multo siyang kinatatakutan sa question na yan?  Mr. Galamay, humingi ka ng dispensya sa amo mo, halatang sumabit ka dito.)

    Kesio may “hidden agenda” daw ang mga organizers ng public debate na itinatago “under the fig leaf of  a forum” pero “the ultimate aim is to get a WIN vote for Pamintuan after a mock poll.”

    Ito ay masasamang bintang na ang tanging batayan ay mga hinala nila na mula sa maruming kaisipan.  Makatwiran ba na batuhin ng putik ang magandang pangalan ng mga Jaycees na mula pa sa simula ay nakilala sa mga gawaing civico at mabuting pagkamamamayan? Na tapunan ng dumi ang HRAP members dahil lamang sa pagnanais na makatulong sa pagkakaroon ng malinis at mapayapang halalan? Na pulaan ang DOT Region III Branch Office at takutin si Dir. Tiotuico dahil sa kanyang pagsuporta at pagtangkilik sa maganda at napapanahon na proyekto ng HRAP at Jaycees na mag hold ng public debate among the mayoralty aspirants para sa kalinawan ng mamamayan ng lungsod, para sa matalinong pagboto?

    Wag naman ganyan.  Sobra na yan.  Hindi na tama yan.



    My good friend Cerge

    Sec. Serge  was my closest friend in the Cabinet, my closest confidante and smoking buddy.  He was a jolly good fellow, no matter how dire and stressful the circumstances might be.

    I remember the time when I was being made to choose what position I preferred: Chairman of SCADC or Head of NBI. Then Sec. Mike Defensor, Sec. Arthur Yap, Chito Salud, and Miro Quimbo of PAGIBIG all suggested I take SCADC.  But Cerge said: SCADC? If I introduced you in Cebu, people there would say “What is that? Walang dating!  But if I say Chief of NBI, malakas ang dating.”

    Vintage Cerge, ganyan siya.

    Ganyan kami sa isa’t isa.  He was an honest man, honest in his feelings, honest with his friends and co-workers, honest in his work to which he always applied himself with great dedication. A good and loyal soldier, Cerge faced his critics and the critics of the President always unafraid, always with calm courage and cheerful confidence.

    Cerge Remonde, Press Secretary and Spokesman of the President, has just passed away.  I will truly miss my good friend and dear buddy.



    Agyu tamu agnan-agnan a panyayari, cabalen, qing tulung a bibie ning Apu tamung Ginuu. See you all again next week. Mabuhay!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here