Vice President Binay manok ni Ai Ai sa 2016

    232
    0
    SHARE

    SI VICE PRESIDENT Jojo Binay ang presidente ni Ai-Ai de las Alas sa 2016. Sorry na lang sa administration sa manok nilang ilalaban kay VP Binay. Buong ningning na idineklara ni Ai-Ai ang pagsuporta kay VP Binay na kanyang pinasalamatan after ng eulogy niya sa ina nang dumalaw ang VP sa huling gabi ng burol.

    Alam ng lahat na sinuportahan ni Ai-Ai si President Noynoy Aquino nu’ng 2010 elections. ’Yun nga lang, hindi naramdaman ni Ai-Ai ang pagmamalasakit ni P-Noy sa oras ng pagdadalamhati sa pagkamatay ng ina.

    Maski bulaklak, walang ipinadala sa Arlington ang staff ni P-Noy. Bakit naman si VP Binay ang gusto niya?

    “Ka-birthday ko kasi siya, hahaha!” tugon ni Ai-Ai. “Matagal ko nang kaibigan si VP. Mabait siyang tao at matulungin.

    Kaya siya ang susuportahan ko sa 2016,” ulit ni Ai-Ai. Eh, si Kris Aquino, nagpadala naman ang staff ng Kris TV ng flowers? “Hindi naman galing sa kanya ’yon! Nag-text naman siya sa akin. Hindi ko na lang sinagot,” sabi ng komedyana.

    May isang taong pinasalamatan si Ai-Ai sa kanyang eulogy. Kahit anong pilit naming alamin ang blind item niyang ’yon, ayaw niyang sabihin. “Huwag na. Sa akin na lang ’yon. Basta mabait siyang tao,” rason niya.

    Pinasalamatan naman ni Ai-Ai sa kanyang Instagram account ang manager niyang si Boy Abunda na nagpahatid ng pera. Gayundin si Vic Sotto kahit bihira silang magkita. “Dahil sa gesture ni Bossing, mahal na mahal ko siya bilang kaibigan,” say ni Ai-Ai, na hindi ililhim na may kasamang pera ang pakikiramay ni Vic.

    Matapos ang trahedya sa buhay, handang-handa nang tumigi-tigidig si Ai-Ai sa Year of the Horse.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here