GMA 7 or TV5?
    Saan lilipat si Kris Aquino?

    359
    0
    SHARE

    KAHIT NASA London si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Bimby at Joshua, laman pa rin siya ng balita dahil sa balitang paglipat sa ibang network.

    Hindi nga lang malinaw kung sa TV5 o sa GMA-7 siya lilipat. Noong una, malinaw ang balitang sa TV5 daw lilipat si Kris at top post nga raw ang inu-offer ni Manny Pangilinan.

    Nitong huli, sa GMA-7 naman daw lilipat si Kris at top post din daw ang ookupahan. Ang balita, halos 90 percent nang sigurado ang paglipat ni Kris sa Kapuso channel, pero bukas pa rin daw sa alok ng Kapatid network.

    Nang last na matanong si Kris, offer ng TV5 ang itinanong sa kanya at hindi ang offer ng GMA-7. Pero, “no decision yet” ang sagot niya. Isa nga raw sa mga rason kung bakit umalis ito ay para pag-isipan nang husto ang offer ni MVP.

    Siguradong nababasa ni Kris ang comment ng kanyang followers sa Instagram (IG) at karamihan ay ayaw siyang umalis sa ABS-CBN. Meron namang nangakong kahit saang network siya, susundan pa rin nila, basta kung saan daw siya magiging masaya, suportado nila.

    Ang sabi, sa January 9 pa ang balik nina Kris mula sa London, pagbalik kaya nito, may desisyon na siya?

    Nag-post ito dati sa IG niya ng “January 9, 2014,” hindi lang naman siguro dahil petsa ito ng kanilang pagbabalik, kaya niya pinost. May iba pa kayang ibig sabihin ang nasabing petsa?

    Samantala, nakakuha kami ng picture nina Kris, Bimby at Joshua sa harap ng theater kung saan palabas ang musical play na Matilda. Nabanggit ni Kris na maraming plays silang panonoorin habang nasa London.

    Also, kahit nasa malayo, updated si Kris sa box-offi ce result ng My Little Bossings at sobrang happy ito sa kinita na ng movie na isa siya sa mga producer. Bukod sa bumalik ang kanyang share o puhunan, may malaking bonus pa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here