Valerie Concepcion takot din sa kasal

    588
    0
    SHARE

    Nasa kasal na rin lang ang usapan, ito rin ang issue na napag-usapan namin ni Valerie Concepcion sa presscon naman ng Flames of Love kahapon.

    As we all know, kabe-break lang niya sa boyfriend of four years na si Dondon Hontiveros at ito ay dahil nga sa ayaw pa niyang magpakasal.

    “I was supposed to get married,” pag-amin ni Val, “but I kinda felt that I wasn’t ready, and because of that…(naghiwalay kami).

    “Kasi nga, feeling ko, hindi pa ako ready, I felt like hindi ko pa gusto ’yung life ng pagiging married. So, ayun.”

    Wala raw third party sa breakup at talagang ’yun lang ang naging dahilan kaya sa ngayon, nagpupunta siya sa Baclaran every Tuesday at ipinagdarasal ang magiging fate nila ni Dondon.

    “Ipinapasa-Diyos ko na lang talaga na kung talagang kami, kami pa rin in the end. Ipinagdarasal ko na lang talaga kasi parang ang nangyari, ni-reject ko ’yung kasal, and then all of a sudden, I feel like I’m missing him, so, parang now, parang complicated.

    “We’re friends, pero ako ngayon, parang wishing na lang na kung kami talaga, kami. Kung hindi, hindi.”

    Ayon pa kay Val, akala raw niya, naka-move-on na siya, pero nare-realize niya na hindi pa pala.

    “Actually, I tried dating but it didn’t work out also dahil I realized I haven’t really moved on,” pahayag pa ng aktres.

    Siyempre, bilang babae, ayaw naman daw niyang gumawa ng first move kaya ipinagdarasal na lang niya na kung talagang para sila sa isa’t isa, alam naman niyang mangyayari ito kung talagang gusto ni Lord.

    Samantala, mahalaga ang papel ni Val sa Flames of Love as the lost soul na magku-connect sa apat na pamilya.

    Bigatin din ang mga kasama niya tulad nina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Lani Mercado, Ricky Davao, Allen Dizon at Jaclyn Jose.

    Mula sa direksyon ni Gigi Alfonso under Gold Barn Media Int’l, showing na ang movie sa Dec. 12.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here