Vhong Navarro takot nang magpakasal

    481
    0
    SHARE

    Sobrang crush pala ni Vhong Navarro ang leading lady niya sa Unwanted episode ng Shake, Rattle & Roll Fourteen The Invasion na si Lovi Poe pero hanggang doon lang daw ’yun sa ngayon dahil as we all know, taken na ang comedian-TV host.

    Ang girlfriend ni Vhong ngayon ay writer ng ABS-CBN at very vocal naman siya about it. Four years na raw ang kanilang relasyon kaya nausisa siya kung wala pa ba silang balak pakasal.

    Matatandaang na-annul na recently ang marriage ni Vhong with Bianca Lapus kaya officially binata na naman siya at puwedeng-puwede na ulit magpakasal.

    Pero ani Vhong, sa ngayon, hindi pa siya mag-aasawa ulit. Ang tagal daw kasi inabot sa korte ng annulment case niya at three years ago lang na-grant.

    “Nag-usap kami ng lawyer ko na mas maganda kung hindi muna (magpapakasal ulit). Kasi nga, ang tagal ng hinintay namin ni Bianca, matagal talaga, eight years.

    “So, ayoko naman na after eight years, eh, biglain natin. Gusto ko naman na handang-handa na talaga,” say ni Vhong sa presscon ng SR&R.

    But of course, may balak pa raw siyang mag-asawa ulit.

    “Ang akin lang, gusto ko lang, eh, huwag muna kasi, ’eto na ’yung mismo talaga, eh. Kung magpapakasal kasi ngayon, ayoko nang mawala ’yun. Kumbaga, ’yun ang gusto kong makasama habambuhay.

    “Na ayoko nang umulit-ulit ng kasal at ma-annul ulit,” he said.

    Since very vocal siya sa pagsasabing crush niya si Lovi, hindi naman kaya magselos ang GF niya?

    “Naku, pagdating sa trabaho, eh, sobrang napakamaintindihan niya. Kumbaga, ’yung sa amin naman (ni Lovi), sabi ko nga, kahit gaano mo ka-crush ’yung isang tao, pagdating sa trabaho, ihihiwalay mo ’yun,” say niya.

    Masuwerte nga raw siya dahil napakarami niyang nakatrabahong magagandang artista at awa naman daw ng Diyos, nagagawa niyang hanggang kaibigan lang talaga.

    “Kasi, hindi naman nila ako pinapansin, eh,” pagbibiro pa niya.

    Anyway, napakaganda ng career ni Vhong ngayon dahil ang dalawang shows niya sa ABS-CBN na It’s Showtime at Toda Max ay parehong top-rating plus may Metro Manila Film Festival movie pa siya.

    Given the chance, gusto ni Vhong na makagawa ng marami pang movie lalo na nga sa Regal Films at super thankful siya na isinama siya sa SR&R XIV lalo pa nga’t ang direktor nito ay ang manager niyang si Chito Roño.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here