Tulay sa Zambales pinasabog

    260
    0
    SHARE

    MASINLOC, Zambales – Hindi na madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang tulay na gawa sa kahoy sa Provincial Road sa Kilometer 13, Barangay Taltal sa bayang ito matapos itong pasabugin ng di pa kilalang mga suspek.

    Sa isinagawang imbestigasyon ni Police Inspector Pancho Doble, hepe ng Masinloc PNP, ang pagpapasabog ay isinagawa dakong alas-2 ng madaling araw noong Linggo.

    Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ang may 12-metero na haba ng detonating cord na siyang ginamit sa pagpapasabog.

    Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan maging ang mga dump truck na may tatak na “Sulong Zambales” na nakaparada malapit sa tulay ay hindi naman nasira.

    Inaalam naman ng Zambales PNP kung anong grupo ang may kinalaman sa pagpapasabog sa tulay. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung anong klaseng pampasabog ang ginamit.

    May hinala ang kapulisan na may kinalaman umano sa usapin sa pagmimina kung kaya pinasabog ang tulay para maparalisa ang pagbibiyahe ng likas na yaman sa Zambales sa ibang bansa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here