Tambalang mag-Ina, yaman ng Pampanga

    481
    0
    SHARE

    ITONG itinatag na pangkagipitan
    o pangmabilisang pagtugong medikal
    ni Delta, sa oras ng pangangailangan,
    ‘as part of the disaster preparedness program’

    Ng pamahalaang lokal ng Pampanga
    ay tunay naman ding napakahalaga
    para sa kabalen at lahat-lahat na
    ng posibleng mabiyaan sa probinsya.

    Nitong pagkalikha riyan ng sinasabing
    animo ay para na ring ‘medical team’
    itong anila ay di lang pipitsuging
    Doctor itong sa pasyente ay titingin

    Nakatitiyak ang mga kababayan
    nating kapus-palad na di n’yan makayang
    magbayad sa mga pribadong ospital,
    yan ngayon mayrun nang puedeng mapuntahan.

    (Di gaya ng dati na kung saan sanhi
    nitong kakapusan nila sa salapi,
    madalas ni gamot sa sugat ay hindi
    makabili ang walang pera palagi.

    Kaya ano pa ba ang maaasahan
    kundi ang maagang sa mundo pagpanaw?
    Kaya ang respondeng medical ni ‘Nanay’
    at ni ‘Delta’ napakahalagang bagay).

    Ang panawagan ni Gob na maging handa
    sa anumang paparating na sakuna,
    ayon kay Dr. Jay Rivera ay lubha
    din namang kailangang malaman ng madla.

    At bilang isang ‘executive director’
    nitong anila ay pang-medical response,
    Yan partikular na sa ‘poorest-of-the-poor’
    ay napakalaki nang maitutulong.

    Ang PEMRU o ang Medical Response Unit
    na nakabase sa Hospital Rodriguez,
    Sa di kalayuan o malapit-lapit
    Sa may Bacolor ay nito lamang Mierkoles

    Binuksan ‘in public’ at nataon mandin
    kay “Glenda,” sa kanyang mahanging pagdating,
    pero ganun pa man ayon sa ‘source’ natin,
    marami-rami ring bisitang dumating.

    At kaugnay pa rin nitong pagbubukas
    ng ‘medical response unit,’ nagpahayag
    si Dr. Rivera na aniya’y may ‘Staff
    of doctors’ sila riyan sa lahat ng oras

    Na handang gabayan itong lalawigan
    sa anumang ‘outbreak’ at/o epidemyang
    posibleng sa ating mga mamamayan
    magdulot ng matinding kapinsalaan.

    At bagama’t ang pinakapangunahing
    concern nila ayon sa ‘informant’ natin
    ay ‘disasters’ lang at posibleng pagdating
    ng kalamidad ay sila’y handa pa ring

    Tulungan ang sino mang maging biktima
    ng aksidente at grabeng pinsala pa;
    (Yan ay dahil na rin sa inisyatiba
    nitong sa Capitol, tambalang mag-Ina)

    Na ang lahat na ng bagay na maaring
    magawa para sa ikabuti mandin
    ng buong Pampanga’y walang atubiling
    ginagampanan ng taos sa damdamin!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here