Home Opinion Takbo ng pulitika ngayon sa Bayan ng San Simon

Takbo ng pulitika ngayon sa Bayan ng San Simon

723
0
SHARE

Ang pulitika sa bayan ng San Simon

ay tila  nagiging LABANAN NG KAMPEON

ng magkakasama sa administrasyon

at mga kalaban nilang oposisyon

nagpapaligsahan sila sa pagtulong

kahit matagal pa bago mag-eleksiyon

 

Napakabuti ng kanilang hangarin

ika nga’y wala kang itulak kabigin

kanya-kanyang gimik upang magpapansin

sa mga botante na nais himukin

upang sa halalan sila’y tangkilikin 

ng ilang tao na madaling bolahin

 

Walang masama sa pagpapaligsahan

sapagkat marami ang natutulungan

lalo na ang pobre nating kababayan

na siinalanta nga ng bagyong nagdaan

hindi lang kakaunti ang nabiyayaan

sa mga ayudang ipinamimigay

 

Subalit ang bagay na hindi maganda

sila’y namimili ng bibigyan nila

kapag ang botante ay hindi kanila

malabong mabigyan ito ng ayuda

ang dapat tulungan na mga biktima

apektado na ng sobrang pulitika

 

Ibig lang sabihin ay magkapareho

ugali nilang may pagka-benggatibo

nasaan ngayon ang SERBISYONG TOTOO? 

at ang BORN TO SERVE na ayaw magpatalo

sa pagbibigay ng serbisyo publiko

naka facebook pa at naka-LIVE VIDEO

 

Ang ganyang diskarte’y masyado ng gasgas

kumbaga sa pain wala ng kakagat

dahil hindi lingid at batid ng lahat

ang kanilang kaso na kinakaharap

kapag nagkataon lalos silang lahat

na bibigo lang sa kanilang pangarap

 

Kung kaya’t marami ang tumutuligsa

sa pakitang tao nilang mga gawa

ang mga tunay na mapagkawang-gawa

ay kumikilos ng di nagsasalita

di tulad ng ibang ngawa lang ng ngawa

at puro pa-pogi sa harap ng madla

 

Bakit di tularan si ex-mayora WONG

iba ang sistema ng kanyang pagtulong

bukod sa disente hindi mapagpatol

sa paninirang sa kanya pinupukol

hindi nakasuhan ng GRAFT AND CORRUPTION 

nang siya pa ang meyor ng bayang SAN SIMON

 

Hindi na kailangan pang magpasiklaban

upang tulungan ang mga mamamayan

ang mga iringang walang katapusan

ay balakid tungo sa kapayapaan

ang pagkakaisa ay lubhang kailangan

sa ikauunlad nitong ating bayan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here