Taiwanese national kalaboso

    3869
    0
    SHARE

    IBA, Zambales – Kalaboso ang sinapit ng isang Taiwanese matapos itong sampahan ng patong-patong na kaso sa Regional Trial Court (RTC) makaraan itong magwala sa Sitio Tambak, Barangay San Agustin sa bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Chi Sheng Su, 39, negosyante at residente ng Barangay San Lorenzo, Masinloc, Zambales. Ayon sa ulat naunang nakabundol ng tindera ng isda ang suspek habang sakay ito ng kanyang Nissan Cefiro (USY-505) at saka ito mabilis na tumakas.

    Nabatid pa na nang makita ng Taiwanese ang isang residente sa lugar na si Efraem Pacheco, 27, na naglalakad ay hinabol nito ng walang kadahilanan hanggang sa pumasok ito sa kanilang bahay at hinahanapan ng droga at pera.

    Sinikap na papayapain nina Barangay Councilor Mario Diaz at Manuel Acera ang suspek, sa halip lalo itong nagwala hanggang dumating ang mga pulis at arestuhin ito. Ang suspek ay detinido sa Iba Police Station at sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting damage to property, qualified tresspass to dwelling, resistance and serious disobedience to agent of a person in authority at twocounts of direct assault.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here