LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lalawigan ng Tarlac isinilang ang yumaong si Pangulong Corazon “Cory” Cojuangco-Aquino noong Enero 25, 1933, ngunit kinilala siya bilang isang Bulakenya at pinagkalooban ng parangal na “Tanging Dangal ng Lipi” ng Bulacan noong 1988.
Ang nasabing parangal ay ang pinakamataas na pagkilalang ipinagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa kanyang mga anak.
Ang pagpili at paggagawad ng pagkilala sa mga pangunahing Bulakenyo ay sinimulan ni dating Gob. Ignacio Santiago noong 1874, ngunit ipinagpatuloy ito nina dating Gob. Roberto Pagdanganan noong 1987, Josefina Dela Cruz noong 1998 at Joselito Mendoza mula 2007 hanggang sa kasalukuyan.
Batay sa tala ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), umaabot na sa halos 200 Bulakenyo ang pinagkalooban ng parangal na “Gawad Dangal ng Lipi”, ngunit tatlo pa lang ang tumanggap ng parangal na “Tanging Dangal ng Lipi.”
Bukod kay Cory, ang dalawa pang tumangggap ng nasabing parangal ay si dating Senador Blas F. Ople ng Hagonoy (2000) at si Alberto Gatmaitan Romulo (2001), ang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Para sa kaalaman ng marami, ang pamilya nina Cory at Romulo ay kapwa nagmula sa lungsod ng Malolos. Si Romulo ay nagmula sa lahi ng mga Gatmaitan at si Cory ay nagmula sa lahi ng mga Cojuangco.
Batay sa tala ng National Historical Institute (NHI), ang ama ni Cory na si Don Jose Cojuangco ay isinilang sa Barangay San Agustin, Malolos noong Hulyo 3, 1896. Siya ay unang supling nina Melencio Cojuangco at Tecla Chichioco na anak nina Juan Chichioco at Timotea Valenzuela na kapwa taga-Malolos.
Noong 1896, ang mag-asawang Melecio at Tecla Chichioco-Cojuangco ay lumipat sa Panqui, Tarlac kung saan isinilang ang kanilang tatlo pang supling na sina Juan, Antonio at Eduardo Sr.
Bukod sa pagiging isang mangangalakal, si Don Jose Cojuangco Sr., ay naging Konsehal ng bayan ng Paniqui, Tarlac noong 1922-25, naging kinatawan ng Tarlac sa lehislatura noong 1934-1947, at pinangasiwaan ang Hacienda Luisita mula 1958 hangggang 1976.
Matapos mag-aral sa Amerika ay napangasawa ni Cory si Benigno Aquino Jr., isang dating mamamahayag at sumisikat na batang pulitiko sa lalawigan ng Tarlac. Sila ay ikinasal noong 1955.
Hindi nagtagal, si Benigno Aquino, Jr., ay nahalal na Senador at naging pangunahing oposisyon ni dating Pangulong Ferdinand Marsco, hanggang siya ay paslangin sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.
Mula sa pagiging simpleng maybahay ng asawang senador, naging isang pangunahing lider sa pulitika si Cory matapos ang pamamaslang sa kanyang asawa.
Pinangunahan niya ang ibat-ibang pagkilos ng oposisyon maging ang paghamon kay dating Pangulong Marcos sa isang snap election noong 1986.
Ayon kay Joey Munsayac, isa sa mga lider ng oposisyon at mamamahayag sa Bulacan, si Cory ay kabilang sa mga mga nanguna sa isang martsang tinaguaring “Tarlac to Tarmac” noong 1985.
Ang mga kasama sa nasabing martsa ay hinarang ng mga kagawad ng Philippine Constabulary (PC) sa noo’y bayan ng Meycauayan.
“Ayaw silang paraanin ng mga PC sa Meycauayan dahil utos daw ng nasa itaas, pero ng makita ng mga manggagawa sa Meycauayan si Cory ay sumali sila at nagsagawa ng isang rally sa kabayanan ng Meycauayan,” ani Munsayac na nagsabing si Cory ang nagsilbing batobalani ng ibat-ibang sektor noon laban sa diktaduryang Marcos.
Matapos mapatalsik si dating Pangulong Marcos ng Edsa Peoples Power Revolution noong Pebrero 22 hanggang 24, 1986 ay naupo bilang Pangulo si Cory at bilang Pangalawang Pangulo si Salvador Laurel na kanyang katambal sa noo’y katatapos na snap elections.
Itinatag nila ang isang revolutionary government, ngunit agad ding bumuo ng isang komisyon na inatasang bumalangkas at bumuo ng Saligang Batas na pinagtibay noong Pebrero 1987.
Kabilang si Ople sa mga bumuo sa nasabing komisyon na nagsilbing Labor Minister ni dating Pangulong Marcos ngunit kinilala ni Cory sa katapatan at katalinuhan.
Habang binabalangkas naman ang Saligang Batas ay inorganisa ni Cory ang mga mamumuno sa mga pamahalaang lokal.
Kabilang sa mga itinalaga niya bilang Officer-In-Charge (OIC) noong 1986 ay si Roberto Pagdanganan na pumalit kay dating Gob. Ignacio Santiago.
Hindi nagtagal, si Pagdanganan ay kinilala ni Cory bilang isa sa pinakamahusay na gobernador sa bansa at itinalaga bilang taga-pangulo ng Kabisig, isang kilusan para labanan ang kahirapan.