Sharon Cuneta pinagpapantasyahan ni Jed Madela

    305
    0
    SHARE
    Hindi namin ikakaila ang sobrang paghanga namin kay Jed Madela. Napakagaling kasi niyang singer at simula nga noong unang napanood naming siyang mag-concert a few years ago, tinubuan na kami ng kakaibang simpatiya sa kanya. Nope, hindi po naming dine-desire si Jed, kahit sobrang guwapo niya. It is just that talagang bongga niya kaming napahanga sa galing niyang kumanta. In my lifetime, tanging siya pa lang ang sobrang hinangaan naming singer. yes, marami kaming paboritong mang-aawit mapa-lalaki o babae man, but Jed is our topmost favorite.

    Alam namin, marami ang mag-a-agree kung sasabihin naming talaga namang nasa una sa listahan ng mga pinakamagling na singer si Jed ditto sa ating bansa. Minsan na siyang naging tsampiyon ng buong mundo sa awitan at yan ang malaking factor kung bakit di kami magkakamali kung ipagbabanduhan naming sobrang galing talaga ng Jed Madela na ito.

    Hindi ba, Mildred Bacud?

    Anyway, last Sunday, muli na naman naming napanood si Jed na nang-guest sa Sharon Cuneta show sa ABS-CBN. Minsan pa, pinahanga na naman kami nang husto ni Jed dahil nga ang husay niya. Puwede nga naming sabihing nilamong lahat ni Jed ang mga kasabay niyang artists na nag-guest din sa show ni Sharon.

    And did you know na bata pa pala si Jed, pinapantasya na niya si Sharon Cuneta?

    “Kaya siguro, mahihirapan akong magka-crush uli, dahil ang taas-taas ng standard ko, megastar na nag-iisang lamang,” aniya.

    Isa si Mega sa ginagamit ng kanyang mga magulang para ma-inspire siyang pagbutihin ang talino niya sa pagkanta. “Sinusulatan nila kunwari si Sharon at sabi sa akin, sinasagot daw nila ang sulat na iyon ng megastar. Iyon pala, sila rin ang gumagawa ng sulat ni Sharon. Pero, naging effective sa akin ang gimik ng parents ko kaya lalo akong sinipag sa pagkanta. At lalo akong nag-aspire ng kataas-taasan para maabot siya. She was the ultimate dream for me.”

    Nalaman ni Jed mismong kay Sharon na paborito rin pala siya nito among the new singers. “I can’t wait to tell my parents in Iloilo kung ano ang sinabi sa akin ni Mega. I’m sure, mas masaya sila kapag nalaman ito.”

    At this point, wala raw time si Jed sa pag-ibig.

    “’Yun siguro ang magiging problema ko. Hindi ako nagkakaroon ng time na ma-pursue kung sino man ang matitipuhan ko. I will be unfair to her at tiyak na malulungkot lang siya. In time siguro, darating din ang babaeng pag-aalayan ko ng aking mga awitin, lalo na ang nakapaloob sa bagong album kong The Songs Rediscovered 2, The Ultimate OPM Playlist.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here