Home Opinion ‘Security of tenure’

‘Security of tenure’

731
0
SHARE

PAGLABAS nito ay dalawang taon na
ang ating Pangulo sa pag-upo niya
sa Palasyo pero ang pangakong siya
itong sa ‘ENDO’ ang kikitil kumbaga

At itong matagal nang pamamayagpag
ng mga ‘employers’ na ayaw magbayad
ng tamang pasahod sa ‘work force’ ay dapat
mabigyan ng tamang solusyon kaagad

Bakit inabot pa ng dalawang taon
bago itong EXO na dapat ay noon
niya pa inaksyonan, ngayon inihabol
sa kaarawan ng paggawa o ‘labor’?

At tila kung di lang yata natunugan
na malaking protesta ang nakahambang
kakaharapin ay di niya naalalang
may naipangako siya sa taongbayan

Hinggil sa kawalan nga ng ‘security
of tenure’ ng ating ‘work force’ na nasabi,
dala ng pagiging ‘contractual’ parati
ang pamalakad ng lahat ng ‘company’?

Kung saan abutin man ng sampung taon
sa serbisyo itong ika nga’y marunong
at mga ‘tested’ sa ‘line of work,’ malayong
maregular sa hawak nilang posisyon

Bunsod nitong mas malaking matitipid
ng ‘employer’ sa sistemang ipinalit
sa dating ang ‘work force’ may malayang tinig
na maipa-abot ang legal na ‘basis’.

Di kagaya ngayong sa kaunting mali lang
nitong ‘labor sector’, kaagad ay tanggal
sa puesto niya itong ubod man ng husay,
sapagkat madali nilang mapalitan?

At kahit na singkong duling lang ay wala
na maasahan ang empleyado kay Seng Hua,
dahilan na rin sa itong ‘contractual’ nga,
di sakop sa ano pa mang bigay-pala.

Subali’t kung sila ay mayrung matatag
na ‘security of tenure’ nga ang tawag,
ang sinuman ay di basta masisibak
nang walang ‘due process’ sa mata ng batas.

Kaya’t sa puntong ‘yan ay marapat lamang
na ibasura na ang uring ‘contractual’
na patrabaho ng sakim na ‘capital’
sa kaawa-awang ‘work force’ na naturan..

Pagkat dala nga ng ‘contractualization’
na ipina-iral bago pa si Digong
naging Pangulo ay milyones na itong
napagkaitan ng wastong ‘compensation’.

Sa dahilang imbes direktang matanggap
ng manggagawa ang karampatang bayad
na dapat sahurin, malaki ang kaltas
nitong ‘agency’ na ang kita ay limpak.

Mahal na Pangulo, kung tunay ngang kayo
ayaw n’yo talaga sa sistemang ito,
sana gawin n’yo na ang dapat iwasto
upang matigil na ang ganyang estilo

At maibigay sa ating manggagawa
ang legal at tamang pasahod ika nga,
ms kung saan patas ‘yan sa magkabila;
at naaayon sa marapat itakda!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here