Home Opinion Ang ‘Leadership Fund’ 

Ang ‘Leadership Fund’ 

1791
0
SHARE

(At Kung Paano Nauuwi sa “kickback”, “initiative “, “errata”, “SOP”, “for the boys” ang malaking Bahagi ng Pondo para sa Government Infrastructure Projects)

  1. NAGSISIMULA SA paggawa ng national budget.

Bago pa isumite ng Presidente sa Congress ang proposed national budget (National Expenditure Program o NEP), gumagawa na ang DPWH ng listahan ng mga kalsada, tulay, flood-control projects, at iba pang infrastructure na gusto nitong pondohan.

  1. Dito pa lang pumapasok na ang tinatawag na “leadership fund.”

Ayon sa testimony ni former DPWH Secretary Bonoan, may bahagi ng budget space ng DPWH na inilalaan para sa mga priority projects na gustong ipasok ng mga legislators. Halimbawa, sinabi niyang may around ₱24 billion na inilaan para sa Senate.

Hindi ito isang bank account na may nakasulat na “Leadership Fund.” Para lang itong reserved space sa budget para sa projects na ire-recommend ng mga senador.

  1. Bawat legislator may tinatawag na “allocable.”

Halimbawa, sabihin kay Senator X: “May ₱500 million kang puwedeng i-recommend na projects.”

Iyan ang kanyang allocable—parang spending ceiling o quota para sa projects.

Hindi ibig sabihin na binigyan siya ng ₱500 million cash.

  1. Pipili ngayon si Senator X ng projects. Halimbawa:

-₱100M flood control

-₱100M road

-₱100M bridge

-₱200M ibang projects

= ₱500M allocable

Si Senator X ang tinatawag na “proponent” o sponsor ng mga projects.

  1. Isasama ang projects sa proposed budget (NEP).

Pagkatapos, isusumite ng Presidente ang NEP sa Congress. Dadaan pa ito sa House, Senate at bicameral conference (bicam), hanggang maging batas ang final national budget (General Appropriations Act o GAA).

At this point, legal na government appropriation na ang ₱100M na allocable ni Sen X para sa flood-control project.

  1. Ipapagawa na ng DPWH ang ₱100M project.

Dapat magkaroon ng bidding (procurement) at mapili ang contractor.

Pero ayon sa testimonya nina Hernandez, Mendoza at iba pa, sa corrupt arrangement, minsan predetermined na kung sino ang contractor—or ginagamit lamang ang lisensya ng isang construction company kapalit ng tinatawag na “royalty.”

  1. Dito pumapasok ang “commission” o “proponent’s share.” Halimbawa, ang ₱100M project ni Senator X ay may napag-usapang 20-30% commission.

Ibig sabihin: ₱100M project → ₱20-30 M para umano sa proponent.

Dito na nagiging corrupt ang sistema. Hindi dahil nag-recommend ng project ang senador, kundi dahil ginawang personal commission ang pagiging sponsor niya ng project.

  1. Minsan, ina-advance muna ng contractor ang commission.

Hindi kailangang hintayin na bayaran muna siya ng gobyerno.

Kung ₱20M ang commission, maaaring maglabas muna ng ₱20M ang contractor, knowing that mababawi niya iyon later kapag binayaran na siya ng government.

Parang puhunan muna sa kickback.

  1. Eventually, babayaran ng government ang contractor.

Kapag sinabi sa papeles na may nagawa nang portion ng project (accomplishment), puwede nang mag-release ng payment ang government.

Kaya ang daloy ng public money ay:

National Government

→ DPWH → payment for the project → bank account ng contractor

Dito talaga nanggagaling ang pera: government funds—ultimately taxpayers’ money.

  1. Iwi-withdraw ngayon ng contractor bilang CASH.

Ito ang mahalagang bahagi ng sample testimony ng isang contractor. Ayon sa kanya, napakalalaking halaga ang iwi-withdraw mula sa company bank account—sometimes hundreds of millions of pesos—and then physically delivered as cash.

Kaya nagkaroon ng mga litrato ng bundles and bundles of ₱1,000 bills.

  1. Ang cash ay dinadala sa mga middlemen at hinahati-hati.

Dito pumapasok ang testimonya nina Hernandez at Mendoza.

Ang malaking cash ay allegedly pino-pro-rate—ibig sabihin, hinahati ayon sa napag-usapang percentages:

para sa political “proponent”

* SOP ng ilang DPWH officials * royalty ng contractor * iba pang cuts/expenses

= kung ano na lang ang matitira para sa actual project.

  1. Kaya lumilitaw ang substandard o ghost project.

Kung ₱100M ang nakasulat sa budget pero malaking bahagi nito ay nawala na sa commissions, SOP at ibang cuts, paano ka ngayon gagawa ng ₱100M-quality flood-control structure?

Dalawa ang maaaring mangyari:

SUBSTANDARD PROJECT — may ginawa nga, pero tinipid: kulang ang bakal, semento, lalim, haba, etc.

O mas grabe:

GHOST PROJECT — sa papeles, completed at binayaran na; pero sa actual, kulang na kulang o wala halos ginawa.

Kaya ganito lang ang buong kuwento:

GOVERNMENT BUDGET

→ Leadership Fund (reserved budget space)

→ Allocable (quota/share ng legislator for projects)

→ Legislator identifies projects

→ Project enters NEP/GAA

→ DPWH awards the contract

→ Contractor

→ Commission/proponent’s share is agreed or advanced

→ Government pays contractor

→ Contractor withdraws CASH from bank

→ Cash delivered to middlemen

→ Cash divided into commissions/SOP/other shares

→ kung ano na lang ang natira ang ginagamit sa project

→ SUBSTANDARD or GHOST PROJECT

Ang pinakamahalagang tandaan: Hindi binibigyan ng gobyerno ng cash ang senador mula sa “leadership fund.” Hindi rin ang senador ang nagwi-withdraw ng kanyang “allocable” sa bangko.

The allocable creates the projects. The projects create government contracts. The government contracts create payments to contractors. At ayon sa testimonya, doon kino-convert ang public money into cash that can be divided and distributed as kickbacks.

Iyan ang missing link between “allocable” at iyong mga litrato nina Hernandez at Mendoza ng napakaraming cash.

ANO ANG MAGAGAWA NATIN?

Meron. Pwede tayong lumahok online sa Citizens’ Participatory Audit (CPA) for ground validation of government infrastructure projects.

I-click ang link na ito: https://bisto.ph

  1. Taga-saan ka mang probinsiya sa Pilipinas, pwede kang magbuo ng grupo ng mga volunteers. 
  2. Buksan ang website at magregister for participation. Click mo lang ang Region o probinsiya kung saan mo gustong magmonitor. 
  3. Buksan ang listahan ng government infrastructure projects sa iyong lugar: flood control, farm to market road, tulay, school buildings, etc. 
  4. Click mo ang specific project na gustong i-monitor, magkano ang project, ano ang status ng project, sino ang contractor, etc. Kung may kasamang volunteers na expert engineers at may alam sa construction work, mas mabuti. 
  5. Kung may drone-mounted camera, lalong mabuti. Manguha ng pictures, at isubmit sa nasabing website ang makalap na reports. Pwedeng maging batayan ang mga ito ng pagsabi kung ang project ay ghost or substandard para mapanagot ang contractor at sponsoring legislator. 
  6. Pwede ring magsubmit ng positive evaluation kung totoong completed ang project at nakatulong ito sa publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here