Home Headlines SAP beneficiary timbog: Nakuhang ayuda ipinuhunan sa droga

SAP beneficiary timbog: Nakuhang ayuda ipinuhunan sa droga

2029
0
SHARE

Screenshot ng suspek sa loob ng kulungan.



CANDABA, Pampanga — Arestado ang isang
beneficiary ng Social Amelioration Program matapos na ipuhunan sa pagtutulak ng ilegal na droga ang nakuhang tulong mula sa gobyerno dahil sa pandemya ng coronavirus.

Ang suspek na si Michael Dela Cruz, 37, residente ng Barangay Sulivan, Baliuag, Bulacan ay nahuli sa buy-bust operation ng Candaba, Pampanga police.

Ayon kay Lt. Col. Santos Mera Jr., hepe ng Candaba Police Station, ikinasa ang buy-bust operation matapos na makatanggap sila ng sumbong na ang pagtitinda ni Dela Cruz ng tinapa ay front lamang sa pagtutulak nito ng ilegal na droga.

Nakumpiska sa suspect ang marked money, tatlong sachet ng shabu at timbangan.

Ani Mera, natuklasan rin nila na si Dela Cruz ay nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD sa ilalim ng SAP.

Aminado naman ang suspect na si Dela Cruz na ang natanggap niya na P6,500 mula sa SAP ay naipuhunan niya sa pagbebenta ng droga.

Pinagsisisihan daw niya ang pagbebenta ng droga na nagawa lamang niya dahil sa hirap ng buhay.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang suspect at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here